in

Nakakatuwang video noon ni Lyca Gairanod kasama ang “The Voice Kids” singer kinagigiliwan ngayon ng netizens

Throwback video ni Lyca Gairanod pinagkakatuwaan ngayon sa social media.

Taong 2014, may isang maliit na bata ang sumali sa “The Voice Kids”. Napabilib niya ang marami dahil sa galing niya sa pagkanta kahit na musmos pa lamang siya.

Ang kinanta niya sa kanyang audition ay ang “Halik” ng Aegis. Umpisa pa lang ng kanyang pagbirit ay napa-wow na agad si Coach Sarah Geronimo.

At si Sarah din ang kumuha sa kanya para hasain ang kanyang galing sa pagkanta.

Hanggang siya ang itinanghal bilang champion ng first ever “The Voice Kids” sa bansa.

Matapos makuha ang grand title ay dito na nagsimula ang panibagong buhay ni Lyca. Na dati ay nangangalakal lamang.

Nagkaroon na siya ng sarili niyang bahay na kabilang sa mga premyong kanyag natanggap. Dito na din nagsimula ang kanyang career.

Noong taon 2015, ay may sarili na itong album na ang pamagat ay ‘Puede Nang Mangarap’ under ng MCA Music Inc.

Hindi lang diyan dahil nakuha din niya ang kanyang unang awit Award bilang Best Performance by a Child dahil sa kanyang kanta na ‘Narito Ako’.

Nawala man sa telebisyon ay ipinagpatuloy naman ni Lyca ang pagiging vlogger sa YouTube. Nakabili na din siya ng sarili niyang sasakyan na aniya’y noon ay pangarap lamang niya.

Ngayon ngang isa na siyang sikat na personalidad, isang throwback video niya ang kinakaaaliwan ngayon online.

Ito ay nang magpo-promote sila ng concert, kasama niya rito sina Darren Espanto at JK Labajo.

Habang kumakanta ang grupo ng isang english song ay tila nagugulumihanan si Lyca at nakikisabay lang.

Kaya naman habang nagsasalita ang host ay inagaw niya ang mic at sinabing “hindi ko po naiintindihan yung kinakanta niyo.”

Tuwang tuwa naman ang mga netizens sa nasabing video, dahil walang kamuwang muwang pa noon si Lyca.

Narito ang video:

Paolo Contis at LJ Reyes hiwalay na nga ba? Mga litrato ng aktres burado na sa Instagram ni Paolo!

Mark Herras may cryptic post, piniling manahimik sa gitna ng patuloy na pangbabatikos ni Lolit Solis