in

Nadine Lustre sinagot ang netizen na lumait sa pangangatawan niya ngayon

Hindi pinalagpas ni Nadine Lustre ang isang netizen na pinintasan ang kurba ng katawan niya ngayon.

Isa si Nadine sa mga celebrities na hindi tinatantanan ng mga bashers. Bawat kilos ng aktres ay talaga namang sinusubaybayan ng mga ‘tr0lls’

Pero lagi ding hindi nagpapatalo si Nadine sa mga ito, hindi niya pinapalagpas ang mga below the belt comments.

Kamakailan nga lamang isang twitter user ang nagbahagi ng larawan ni Nadine na nakasuot ng two piece swimsuit.

Sa caption ng nasabing tweet ay nilait ng netizen ang pangangatawan ngayon ng aktres.

“Why @hello_nadine ang chuba mo na, wala ang butt, wala nang curve, sabagay wala ka nang insecurities sa katawan kasi tanggap ka ni Chris kahit maging big ka pa, kaso baka ‘pag nagsawa at makakita ng mas bata iwan ka rin. ‘Wag magpabola kasi hindi ka naman bolang dini-dribble think twice or thrice lagi.”

Maigsi pero malaman naman ang naging sagot ng aktres dito. Ani Nadine,  “Ew body shamer.”

Agad din namang ipinagtanggol si Nadine ng kanyang mga fans and supporters. May ilan ding netizen ang nagsabing mas bagay umano sa aktres ang figure niya ngayon.

Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens ukol dito:

“Baka kasi hindi stress at alaga ganon lang un mas bagay sa knya ganyan katawan kesa sobra payat noon”

“THIS IS EXACTLY WHAT I LIKE ABOUT HER!!! the way she responds to the bashers, u go gorl”

“Ang swerte talaga ni nadine pati bilbil nya ng ttrending how to be you po”

“She’s really happy its ok naman kesa ung super payat”

“Savage queen talaga tong si Nads sa sagutan sa mga bashers eh”

May mga nagsabi din na masaya kasi ang lovelife ngayon ni Nadine kaya hiyang ang aktres.

Dennis Padilla sang-ayon sa payo ni Ivana Alawi tungkol sa pagmamahal sa magulang

Kylie Padilla nais makausap ng personal ang nali-link kay Aljur Abrenica na si AJ Raval