in

Nadine Lustre namataang masayang nagbabaksayon sa Siargao kasama ang rumored French Filipino boyfriend

Spotted muli ang aktres na si Nadine Lustre kasama ang kanyang rumored boyfriend habang nagbabakasyon sa Siargao.

Kamakailan nga lamang ay umugong ang balita tungkol sa bagong nobyo umano ni Nadine.

Nagtrending kasi sa Twitter ang mga larawang kasama ang isang foreign guy. Na kinilalang si Christopher Bariou, ang founder at managing director ng Maison Bukana.

Makikita sa kanilang mga litrato na kakaiba ang sweetness ng dalawa sa isa’t-isa.

May video din na may hawak na mic si Nadine at tila naglalaro sila ng mga card games at katabi nito si Christopher.

Marami namang agad ang natuwa para sa aktres na nakahanap na umano ito ng bago niyang pag-ibig.

Matatandaan na mahigit isang taon na ng isapubliko nila Nadine at dating kasintahan na si James Reid ang kanilang hiwalayan.

Kaya naman masaya sila na nakitang nakaka move on na si Nadine from a painful heartbreak.

Kamakailan nga lamang ay muling namataan si Nadine na kasamang masayang nagbabakasyon si Christopher sa Siargao.

Ilang litrato at video nila mula sa mga fans ni Nadine ang kalat ngayon online.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaye Alexis (@jayelupe)

Namangha pa umano ang isang netizen ng si Christopher pa umano ang kumuha ng litrato ni Nadine at kanyang fan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaye Alexis (@jayelupe)

Hiling naman ng maraming JaDine fans ang tunay na kasiyahan ng aktres.

Mark Herras may cryptic post, piniling manahimik sa gitna ng patuloy na pangbabatikos ni Lolit Solis

Nanay Ni Heaven Peralejo, Buong Tapang Na Ipinagtanggol Ang Anak Kay DJ Chacha!