in

Nadine Lustre nagtayo ng solar panel charging station para sa mga lokal ng Siargao

Patuloy ang pagtulong ni Nadine Lustre sa mga mamayan ng Siargao na naapektuhan ng ba6y0ng Odette.

Bukod sa Siargao resident ng si Andi Eigenmann, isa din si Nadine sa naakit at napamahal sa isla ng Siargao. Kung saan namalagi siya nang matagal habang nagpapahinga sa pag-arte.

Kaya naman, ng masaIanta ng ba6y0ng Odette ang isla ay isa si Nadine sa puspusan ang pagtulong sa mga residente doon.

Katuwang ang kanyang boyfriend na si Christope Bariou. Namahagi sila ng pagkain, inumin, at ilan pang pangunahing pangangailangan ng mga lokal sa Siargao.

Nakapaglagay na rin sila Nadine ng solar panel para makapag-charge ang mga tao. Dahil wala pang kasiguraduhan kung kailan manunumbalik ang kuryente sa lugar.

Malaking bagay ito para sa unti-unting pagbangon ng itinuturing na paraiso ng marami

“We’ve installed a solar panel here (Malinao, Siargao) that locals can use or charge anything that needs power, since there’s still no power and no one really knows when its gonna come back. I’m just really happy that everyone’s helping each other. And there’s a lot of people outside the island who wants to help as well”. Saad ni Nadine sa panayam sa kanya ng Greenpeace Philippines.

Masaya din umano si Nadine na nakikita niya ang pagkakaisa ng mga tao roon. At nagtutulungan ang bawat isa upang agad na masolusyunan ang problema.

Samantala, abala rin ang kanilang team sa pakikipag-coordinate at mas maayos na pagdi-distribute ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ni Odette.

Lolit Solis sa relasyon ni Bea Alonzo at Dominic Roque: “Para bang gusto lang ipakita ni Bea kay Gerald na nakamove on na siya”

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales namataang naglalambingan, may relasyon na nga ba?