in

Nadine Lustre muling pinatulan ang “Marites” na si Cristy Fermin matapos siyang patutsadahan na naman nito!

Nadine Lustre, tinawag na Marites si Cristy Fermin!

Walang kabig ang naging sagot ng aktres sa reporter na si Cristy Fermin.

Noong October 28, may naging komento na naman kasi si Cristy tungkol sa aktres sa kanyang programang Cristy Ferminute.

“Si Nadine pumapa-show sa Siargao… Lakad nang lakad, rampa nang rampa ng naka two piece. Ewan ko ‘no kung bakit ayaw niyang mag damit. Ngayon nagiging sentro siya ng body sh4ming,” diretsahang komento ni Cristy sa aktres.

Ang sinasabi ni Cristy ay nang may mag komento na isang netizen sa post ni Nadine. Sinabihan ng netizen na tumataba na daw ang aktres at walang “kurba” ang katawan nito.

Sinagot ito ng Diary Ng Panget star ng, “Ew body sh4mer.”

Hindi pa nakuntento si Cristy sa patutsada niya kay Nadine at sinabing, “Ikaw na hitad ka, ayaw mong magdamit. Pa-show ka ng pa-show kahit saan. Bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo. para di ka nababash, magtapi ka.”

Matatandaan na nag viral ang picture ni Nadine sa Siargao nang bumili ito ng sarsa sa isang grocery store. Naka one piece na pang taas noon ang aktres at denim shorts.

May nakakatawang sagot naman siya kay Cristy.

Tweet ni Nadine, “2021 na toxic pa rin”

“Marites talaga ihh” at sa dulo nito ay mapang asar na “LECHON MANOK TONIGHT.”

Jaclyn Jose, binalaan si Albie Casiño sa mga patutsada nito kay Andi Eigenmann

Annabelle Rama nanggi’gil kay Vice Ganda dahil sa joke nito tungkol kay Manny Pacquiao