in

Nadine Lustre “Badass Chic” ang datingan sa kanyang brand new Ducati Scrambler Sixty2

Muling pina-wow ng aktres na si Nadine Lustre ang mga netizens sa viral video niya ngayon habang nagmo-motor.

Nag-ingay na naman sa social media si Nadine Lustre. Matapos kumalat ang mga larawan niya habang nasa Ducati Manila sa Quezon City.

Ayon sa post, bumili ang aktres ng Ducati Scrambler Sixty2.

May mga kuha din litrato na pinasalamatan ng staff ng Ducati Manila si Nadine sa pagbili nito ng mamahaling motor.

Base sa MotoDeal, nagkakahalaga ang Ducati Scrambler Sixty2 big bike ng P499,000.

May video din na makikitang nag-eensayo si Nadine sa pagmomotor kasama ang kanyang ama. Ayon pa sa ilang post, pangarap talaga ng mag-ama ang makabili ng mamahaling big bike.

Agad namang umani ng paghanga ang video na ito ni Nadine. Marami pa ngang nagsabi na tila Badass chic ang datingan ni Nadine habang pinapatakbo ang Ducati.

Gandang ganda din sila sa outfit of the day ng aktres.

Narito ang ilan sa say ng netizens:

 “grabehan ‘to. service nya lang siguro sa Siargao yan. EZ Bugatti Ducati 500k cash”

“Angas mo dyan mareng Nadine”

“Napaka astig naman ni Nadine Badass chic talaga”

“BADASS NADINE LUSTRE!! YAS GIVE IT TO US!”

“Angas pariho Sila ni James Reid Ng motor”

“Apaka mahal ng bagong hobby nila James at Nadine. But it’s from their hard work so it’s okay!”

Matatandaan na noong nasa Siargao si Nadine ay makikitang naka-angkas siya sa motor. Kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Christopher Bariou.

Kim Atienza proud daddy, anak niyang lalaki isang ganap na piloto na ngayon

Kilalanin si Lyza Bayola ang artistahin din na anak ni Dabarkads Wally Bayola