in

Nadine Lustre ayaw pang magka-anak sa ngayon, mas gusto munang mag-ampon

Wala pa umanong balak magkaroon ng sarili niyang anak ang aktres na si Nadine Lustre. At mas gusto muna niyang mag-ampon.

Dati, gusto ni Nadine Lustre na magsilang ng dalawang anak.

Pero nagbago na aniya ang kanyang pananaw dulot ng mga pangyayari kamakailan, at mas gugustuhin na lang niyang mag-ampon ng bata.

Ito ay kanyang sagot sa tanong ng celebrity cosmetic surgeon na si Aivee Teo. Kung ilan ang gustong magiging anak ng aktres.

“Because of everything that has been going on. Before every time people would ask me that, I would say two. But now I’d say wala. I don’t want to have kids right now. That’s where my head’s at. Just because there’s so many people na on earth,” paliwanag ni Nadine.

Dagdag ni Nadine, kung mag-aalaga man siya ng bata, mas gugustuhin niyang mag-ampon.

“I do believe that there are a lot of kids who don’t have parents and who need to be taken care of. So I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt,” aniya.

Pero nilinaw ni Lustre na sakaling mabuntis man siya, hindi naman siya hihindi dito.

“If I get pregnant, I’ll go with it. But right now, that’s where my head’s at – I would rather adopt.” 

Sa isang panayam kay Nadine, sumang-ayon din siya sa sinabi ni James tungkol sa usapin ng pagiging mommy at daddy.

“Ako din, I agree with him. Ngayon kasi medyo maraming nangyayari sa mundo natin na hindi tayo sure like a lot of stuff is happening. That’s why I’m not yet ready kasi marami pa akong gustong gawin,” saad ng aktres.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang usapan:

Nanay ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez dinepensahan sa mga bashers ang relasyon ng anak kay Aljur Abrenica

Ivana Alawi handang ubusin kung ano man ang meron siya para sa kalusugan ng kapatid na si Mona