in

Naalala niyo pa ba ang small but terrible na si Mura? Ito na ang buhay niya ngayon!

Size does not matter! Iyan daw ang motto ni Allan Padua o mas nakilala sa showbiz bilang si Mura.

Bagama’t isa siyang midget, malaki naman ang natamo niyang kasikatan lalo na noong nakaraang dekada.

Kung si Noemi Tesorero o mas kilala bilang Mahal ay aktibo parin sa showbiz ngayon, si Mura na dati niyang katambal ay hindi na masyadong napapanood sa telebisyon.

Ang kanilang tambalan ay napapanood noon sa isang dating noontime variety show. Nakabilang din si Mura sa ilang mga pelikula at proyekto sa telebisyon.

Ngunit taong 2010, ay may hindi inaasahang pangyayari ang naganap kay Mura. Na naging dahilan din kaya nawala siya sa industriya.

Taong 2010, nabali ang kaliwang hita ni Mura. Mula noon, hindi na siya nakabalik ng showbiz.

Kaya naman bumalik na lang siya sa kanilang probinsya sa Albay. At doon ay ipinagpatuloy na niya ang kanyang simpleng pamumuhay.

Sa ngayon, bukod sa pagtatanim ng gulay ay nagt𝔦t𝔦nda rin siya ng uling bilang kanyang hanap buhay.

Ayon kay Mura ay hindi parin niya nakakalimutan ang showbiz at nais parin niyang bumalik dito para matulungan ang kanyang pamilya sa probinsya pero hindi na siya masyadong nakakatanggap ng mga proyekto.

Meron labing-tatlong kapatid si Mura kaya kailangan niya talagang kumayod. Bago pa niya pasukin ang showbiz noon ay nagtrabaho siya bilang ball juggler sa circus ng limang taon at naging back-up dancer din siya hanggang madiskubre siya ng isang talent manager at kuhanin siya sa show.

Doon na nga nagsimulaang pagsikat ni Mura noon, at doon din nagsimula ang tambalan nila ni Mahal.

Ayon nga kay Mura kung siya ang tatanungin ay talaga namang nais niya pa rin ang bumalik sa showbiz dahil nami-miss din naman niya ang mga pag-akting na ginagawa niya noon at ang trabaho niya noon sa showbiz.

Litrato ng birthday celebration ng anak ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto viral ngayon sa social media

Isang babae arestado matapos magtangkang takbuhan ang tindahan kung saan siya nagpa-cash in ng pera