in

Naaalala Niyo Pa Ba Si Tolits Ng Eat Bulaga? Eto Na Ang Kanyang Masayang Buhay Pamilya Ngayon.

Naaalala niyo pa ba si Tolits ng Eat Bulaga noon? Ito na ang buhay niya ngayon!

Si Tolits o Bernard Joecel Forbes sa totoong buhay ay sumikat noong 2000s. Siya ang bata sa isang sikat na detergent commercial noon.

Unang nakita sa telebisyon si Bernard nang sumali siya sa segment ng Eat Bulaga na That’s My Boy. Doon siya tinawag na BJ “Tolits” Forbes noong 2003.

Hindi man siya pinalad upang maiuwi ang titulo at grand prize, nabigyan pa din siya ng spotlight nang kunin ng programa bilang co-host.

Ang kanyang napaka cute na mukha at kakulitan ang siyang naging dahilan upang kunin siya bilang co-host na nagtagal din naman ng tatlong taon.

Bukod dito, nabigyan din ng pagkakataon na maisali sa ibang programa si Tolits noon. Kasama na dito ang Mulawin, Etheria at Fantastikids.

Nakasama din siya noon sa programa ng ABS-CBN na  Noon at Kailanman noong 2019. Sa parehas na taon, nakasama at nakatrabaho niya sina Bianca Umali at Miguel Tan Felix sa Sahaya.

Bukod sa mga ito, nakasali din sa ibang pelikula si BJ Tolits tulad ng Urduja, Entenf Kabisote, Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom kung saan naiuwi niya ang karangalan bilang Best Child Actor noong 24th Luna Awards.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, isa na ring ama si Tolits ngayon. Sa kanyag social media account, makikita ang kanyang larawan kasama ang kanyang anak at asawa.

Sa edad na 22, masaya nang namumuhay ng simple si former child star noon kasama ang kanyang napaka cute na baby girl at ina nito.

Tunay ngang mabilis lanang lumipas ang panahon!

Jose Hallorina, Muling Nag Upload Ng Vlog Kasama Ang Pumunaw Na Lola Ni Donnalyn Bartolome!

Vlogger na si Virgelyn emosyonal na nagpasalamat kay Mura, sa tulong nito dumami ang kanyang subscriber