in

Mygz Molino ipinakita ang pagpapahalaga kay Mahal, hindi iniwan ang komedyana hanggang sa huling hininga nito

Pinatunayan ni Mygz Molino na lagi siyang nakaagapay kay Mahal kahit pa sa huling sandali nito.

Sa pamamaalam ni Mahal ay marami nga ang nalungkot. Ikinabigla ng showbiz industry ang kanyang biglaang pamamaalam.

Sa gitna ng pagluluksa ng industriya, ipinakita ni Mygz ang pagpapahalaga niya sa kanyang partner.

Ilang mga malalambing na videos at litrato nga nila ngayon na magkasama ang binalikan ng mga netizens.

Katulad na lamang noong binati ni Mygz si Mahal sa kaarawan nito noong nakaraang taon. Kalakip ng kanilang mga sweet photos isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng Indie actor.

Hindi maikakaila ang closeness ni Mgyz Molino at ni Mahal.

Taong 2014 ang unang public photo niya kasama si Mahal ngunit nakatrabaho niya noong 2012 ang komediyante para sa pelikulang ‘Id’Nal.’

Lumipas ang mga taon at lalo lang naging malapit ang dalawa sa isa’t isa. Ang ilan pa sa kanilang videos, mapapansin ang kanilang kulitan at lambingan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mygz Molino (@mygz.molino)

Mukhang brusko at malakas man, malambing at maalaga talaga si Mygz Molino. At hindi niya hinahayaan na maging malungkot si Mahal habang nasa piling niya ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mygz Molino (@mygz.molino)

Pagdating naman sa pagmahahal, may nagtatanong kung ano nga ba ang tunay na relasyon nila ni Mygz.

Ayon sa isang panayam kay Mahal ay sinabi niyang magkaibigan lamang sila ng binata.

Ngunit kahit magkaibigan lang sila ay buong pusong inaalagaan at minahal ng aktor ang komedyana.

Naibahagi pa nga noon ni Ai Ai na nakasama nila sa isang serye sa Kapuso network na hulog ng langit si Mygz kay Mahal.

Naniniwala si Ai-Ai na taos-puso at unconditional love ang ipinadadama ni Mygz sa komedyante.

Julia Barretto umani ng papuri ng tulungan ang nobyong si Gerald Anderson na maglinis ng gym nito

Julia Barretto sinundan ang yapak ng nobyong si Gerald Anderson, miyembro na din ng PCG