in

Must Watch: Sandok Pera Challenge ng grupo nila Vice Ganda, naghatid good vibes sa mga netizens

Idinaos ni Vice Ganda kasama ang mga malalapit niyang kaibigan ang kanilang Christmas party in the most funniest way.

Nakagawian na ng mga Pinoy ang pagsasalo salo bago dumating ang kapaskuhan. Christmas party kasama ang mga kaibigan, katrabaho, at pati na din mga kapamilya.

Syempre sa Christmas party na nakasanayan ay hindi mawawala ang mga party games. At ngayon ang usong games. Ay ang Sandok Pera Challenge.

At ito nga ang sinubukan ni Vice Ganda kasama ang malalapit niyang kaibigan sa kanilang Christmas Party. Na ginanap sa bahay ni Michael Leyva.

Viral nga ang video nang kaganapan kung saan si Vice na ang gumagawa ng challenge. As per their rule ay may tatlong attempts ang bawat kalahok sa pagsandok ng pera.

Kung titignan ay napakahirap makasandok ng pera sa challenge na ito. Ngunit kakaiba ang naging strategy ng Unkabogable star.

Naging maingat at dahan dahan ang ginawa niyang pagsandok. First at second attempt niya ay nakakuha siya ng tag isang libo kaya naman tuwang tuwa at hiyawan ang maririnig sa mga magkakaibigan.

Good vibes naman ang naging hatid nito sa mga nakapanood ng video. May mga nagsabi pa nga na nakakuha sila ng teknik sa ginawa ni Vice.

Dahil anila, paniguradong sa darating na Christmas party na kani-kanilang dadaluhan ay ganito din ang games na mangyayari.

Panoorin dito ang kabuuan ng video:

Ang ilan pang present din sa party na ginanap sa bahay ng fashion designer na si Leyva ay sina  Bang Pineda, Paul Cabral, at marami pang iba.

‘I need Aircon’, Mariel Padilla aminadong hindi kayang magcamping dahil sa mga Iam0k

Grab driver na may kapansanan nakatanggap ng pamaskong handog mula kay Karen Davila