in

Mura hindi makapaniwala at labis ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng kaibigang si Mahal

Hindi napigilan ni Mura ang humagulgol ng malamang ang balita tungkol kay Mahal.

Marami sa mga tagahanga ng komedyanteng si Mahal, Noeme Tesorero sa tunay na buhay, ang nagulat sa biglaan niyang pagpanaw.

Nooong August 31, 2021, kinumpirma ng pamilya ni Mahal ang kanyang pagkawala sanhi ng gastro iIIness at C0VI’D19.

Maraming netizens at mga kaibigan ni Mahal sa industriya ng showbiz ang binalot ng kalungkutan dahil sa kanyang pagkawala.

At isa na nga dito ay ang dati niya katambal na si Mura.

August 20, 2021, ipinost ang video ng pagbisita niya sa kanyang dating ka-partner at kaibigang si Mura o Allan Padua sa totoong buhay.

Kasama ang indie actor at kaibigang si Mygz Molino, dinayo ni Mahal ang malayong tirahan ni Mura sa Guinobatan, Albay.

Dito ay makikita ang masayang reunion nina Mahal at Mura na hindi nagkita ng dalawang taon.

Binigyan ng grocery items ni Mahal si Mura, na aminadong hirap sa buhay ngayon.

Inabutan din ni Mahal si Mura ng P5,000 bilang panggastos. Nangako pa si Mahal na may kasunod pa ang kanyang tulong kay Mura.

Kaya naman labis na nasaktan si Mura sa balitang pumanaw na nga ang matalik na kaibigan.

Binalikan ng vlogger na si Virgelyn si Mura sa tahanan nito sa Albay upang alamin ang reaksyon niya. At nararamdaman ngayong wala na si Mahal.

Ayon kay Mura ay hindi siya masyadong nakatulog ng malaman niya ang balita. Hindi umano siya makapaniwala.

At inakala niyang baka fake news lamang na wala na nga si Mahal.

“Nabigla ako eh, hindi ako naniniwala hanggang ngayon,” humahagulgol na saad ni Mura.

Hindi niya din umano matanggap ang balitang ito dahil halos dalawang linggo lamang ang nakalipas ng dumalaw ito sa kanya.

Panoorin dito ang kabuuan ng reaksyon ni Mura sa pagkawala ni Mahal:

Julia Barretto sinundan ang yapak ng nobyong si Gerald Anderson, miyembro na din ng PCG

Matapos kumpirmahin ni LJ Reyes ang kanilang hiwalayan, Paolo Contis spotted na may kasamang ibang babae