in

Mother Sitang nag-flex ng new look after her cosmetic surgery sa isang photoshoot

Ipinakita na ng Thai Internet personality na si Mother Sitang ang resulta ng kanyang pagpaparetoke.

Panay na nga ang pag-flex ni Mother Sitang sa kanyang new look sa social media. Tila proud na proud siya sa naging resulta ng operasyon sa kanyang mukha.

Kamakailan nga lang ay ibinahagi niya ang kanyang kauna-unahang photoshoot matapos ang pagpapaopera.

Sa TikTok, umani ng samu’t-saring reaksiyon ang video na kuha sa photoshoot ng social media star. Ito ay kuha sa photoshoot ng produktong kanyang ini-endorso.

@poodleapแม่ถ่ายแบบสวยมาก แพงมาก ชุดแดงที่แม่ใฝ่ฝัน #แม่สิตางคุ์บัวทอง #แม่สิตางคุ์หน้าใหม่ #แม่สิตางคุ์ส้มหยุด #แม่สิตางคุ์เป็นคนตลก♬ เสียงต้นฉบับ – พุดเดิ้ล ยุพดี

@tang2505#กูไม่ได้อยู่ซ่อง#คนไทยเป็นคนตลก♬ เสียงต้นฉบับ – สิตางศุ์ บัวทอง

Matatandaan noong June 22, Inilantad ni Mader Sitang sa publiko ang bagong hitsura niya na resulta ng matagumpay na operasyon.

Nawala ang mga kulubot sa mukha ni Mader Sitang, bumata ng ilang taon ang kanyang hitsura at natupad ang pangarap niyang V-shaped face. Pero halata pa rin ang pamamaga nito.

Biktima si Mader Sitang ng buIIying noong kabataan niya dahil sa kanyang physical appearance, at isa ito sa mga dahilan kaya nagpaayos siya ng mukha.

Sa kabila ng matagumpay na cosmetic surgery kay Mader Sitang, nakakatikim pa rin ito ng mga panglilibak.

Sumikat si Mader Sitang dahil sa kanyang signature hair-flipping dance moves na pumatok sa iba’t ibang bansa sa Asia, pati na sa Pilipinas, kaya pinaunlakan niya ang imbitasyong bumisita sa ating bansa noong October 2018.

Naging guest pa siya noon sa programa ni Korina Sanchez na Rated K.

Sadly, hindi na masisilayan nang personal ng Filipino fans ni Mader Sitang ang bagong mukha nito dahil diumano, blacklisted na siya sa Pilipinas.

Ang businessman na si Wilbert Tolentino ang humiling sa Bureau of Immigration and Deportation na ideklarang persona non grata ang popular Thai personality.

Joem Bascon “Sir Wil” pa din ang tawag kay Willie Revillame na ama ng kanyang partner na si Meryll Soriano

TikTok personality na si Hazel Grace Edep ipinakulong ang lalaking nakapulot ng kanyang cellphone