in

Milyong halaga ng proyekto nawala kay Albie Casiño nang dahil kay Andi Eigenmann

Muling ibinahagi ni Albie Casiño ang mga bagay ma nawala sa kanya nang dahil kay Andi Eigenmann.

Bago pa man pumasok si Albie sa loon ng Pinoy Big Brother house. Naglabas siya ng kanyang sama ng loob tungkol sa nangyari sa kanila noon ng dating nobyang si Andi.

Matatandaan na sampung taon na ang nakakalipas ng siya ang itinurong ama ng dinadala ni Andi. At dahil dito at tumamlay ang pasibol na career pa lamang noon ng aktor.

Ngunit di naglaon, napag alaman na hindi pala siya ang ama. At si Jake Ejercito nga ang tunay na tatay ng panganay ni Andi.

Sa panayam ng Cinema News noong November 19, 2021. Sinabi ni Albie na naapektuhan hindi lang ang kanyang showbiz career kundi pati buhay niya at ng kanyang pamilya dahil sa isyung iyon.

Ibinahagi rin niya na milyong halaga ng mga proyekto ang nawala sa kanya noon.

Aniya, “How about I lost a lot of millions of pesos worth of projects and endorsements from that?

“And it wasn’t just a P100,000, bro. It’s a million pesos worth of, I guess, damages.

“That’s literally money they put out of my bank account. That’s money that could have changed my family’s life. Money that could have changed my life, right?

“So how can I be okay with them? Why would I be okay with them?”

Matapos daw sirain ni Andi ang pangalan niya noong 2011, malaki ang hinanakit ni Albie na ni hindi man lang naglabas ng public statement ang aktres na hindi siya ang ama ng ipinagbuntis nito noon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Xian Gaza ipinagtanggol si AJ Raval laban sa naging pahayag ni Barbie Imperial

Heaven Peralejo sinabing magkaibigan lang sila ng vlogger na si Kimpoy Feliciano