in

Michelle Vito napagkamalang buntis dahil sa latest photos nila ni Enzo Pineda sa Instagram

Inakala ng maraming netizens na nagdadalangtao na rin ang Kapamilya actress na si Michelle Vito.

Diretsahang sinagot ng aktres na si Michelle Vito ang mga kumakalat na tsismis na siya raw ay buntis.

Ito ay matapos niyang mag-upload sa kanyang Instagram. Ng mga larawan niya kasama ang nobyong si Enzo Pineda at mga kaibigan sa isang resort sa La Union.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelle Vito (@michellevito)

Sa mga larawan ay makikita ang showbiz couple na nasa beach wearing red swim wears.

Caption ni Michelle, “good times and tan lines.”

Caption naman ni Enzo, “a weekend well spent. God is good.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enzo Pineda (@its_enzopineda)

Sa ilang mga larawan ay makikitang hawak ni Michelle ang kanyang tummy na na-misinterpret ng iba na parang tinatakpan. Puna rin ng mga netizen, may tila ‘umbok’ sa tiyan ng aktres, dahilan para mag-speculate ang mga ito na baka buntis na nga ito.

“Babybump?” tanong ng mga netizen.

Agad namang sinagot ni Michelle ang mga espekulasyong ito sa pamamagitan ng kanyang Tweet.

Ayon sa aktres, “Happy monday mga marites.. gusto ko lang naman kumain.. busog lang po ako. So stop lunch na po kayo hays”

Magtatatlong taon na ring mag kasintahan sina Michelle at Enzo sa Pebrero 21.

Lolit Solis nag-react sa mga netizens na nagsasabing hindi nila nalaman ang pagbubuntis ni Elisse Joson

Mikael Daez ibinunyag sa isang video ang pinakakinakatakutan ng asawang si Megan Young!