in

Mga reseller ni Viy Cortez umalma! Tinawag na gahaman ang sikat na vlogger

Ilang mga netizens at resellers ng sikat na vlogger at negosyanteng si Viy Cortez ang umaalma ngayon sa social media.

Usap-usapan nga ngayon online ang ilang himutok ng mga resellers ng isang beauty product. Ito ay dahil kinuha bilang endorser si Viy Cortez.

Sa kanyang Facebook post, ipinangalandakan ni Viy ang bago niyang endorsement. Aniya sa kanyang post, “Isa nanamang maingay at magandang produkto ang nasa VIYLINE. Sa sobrang lakas ng Sereese Beauty Milky boost whipped scrub talaga namang mapapabenta ka!”

Dahil sa naturang post, marami ang napataas ang kilay at agad nagreklamo sa CEO ng skin care product.

Saad nga ng isa,  “Viy Cortez mam sana kung gaano po kayo kasupport sa ibang brand ganun din sa viyline skincare mas madalas pa po promotion ng ibang brand. Marami po kming concerns pero wala naman kayong action. Nilalaban po naminbrand nyo sana po ipaglaban yo rin po kami at tulungan”

May nagsabi pa na sana daw ay tinutukan na lang ni Viy ang sarili niyang produkto. Dahil nahihirapan umano ang mga reseller niya kung hindi niya naman tinutulungan sa pag-eendorso ang mga ito.

Anila, “ms. Viy don’t get us wrong po, pero sana mas mag focus po kayo sa own brand nyo po kasi ang dami na po distri and resellers na natutulog ang puhunan sa viyline skincare. Also, sana give way nalang to small time sellers sa shopee kasi sainyo na po halos umorder lahat”

May umalma pa na binunura daw ng marketing team ni Viy ang mga reklamong inilalahad nila. At kinwestyon nito kung bawal daw ba silang magsalita.

Meron ding nagsabi na wala na umanong ‘Team Payaman’ bagkus naging ‘Team Gahaman’ na.

As of this writing gumagawa na ng aksyon si Viy ukol dito maging ang kanyang mga staff.

Batikang aktres na si Cherie Gil namaalam na sa edad na 59

Rita ‘Badjao Girl’ Gaviola inamin na sa publiko na isa na siyang ganap na ina!