in

Mga paintings ni Heart Evangelista aabot pala sa milyones ang presyo, nakabenta ng worth 3 million

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang nakakalulang presyo ng kanyang mga paintings.

Sa part 2 ng vlog ni Karen Davila kasama sina Heart Evangelista at Chiz Escudero ay ipinakita ang mga paintings ng aktres.

Nakilala si Heart sa industriya bilang isang fashion icon at isang magaling na pintor. Nahinto lamang ang hilig niya sa pagpipinta ng nag-boom ang career niya sa showbiz.

“It was an accident, you know I just stopped thinking on what I needed to do with my career so I started to paint,” lahad ni Heart.

Pero ng manumbalik na siya sa talentong ito ay hindi na niya napigilan at hanggang sa magkaroon na siya ng solo painting exhibits.

Pati mga branded luxury bags ay nagawa na rin niyang pintahan at naging commision based na siya sa mga brands na ito.

Habang ipinapakita ni Heart ang mga paintings niya kay Karen ay inilahad din niya ang mga presyo ng mga ito. Na mula daang libo hanggang sa milyon kada piraso.

Ipinakita ni Heart ang bagong collection niya ng painting. Na iba’t-ibang mukha ng babae. Kilala si Heart bilang artist na mahilig gawing subject ang mga kababaihan.


Nang tanungin kung magkano raw ang presyo ng isang set ng painting na ‘yun ni Heart kung sakali: “This would be about six million.”

“Isipin n’yo yun?” gulat na reaksyon ni Karen. “She really earns a lot, guys!”

Ang bagong collection nga raw ng paintings niya ang magiging laman ng collaboration niya. Sa Incubus member at visual artist din na si Brandon Boyd.

Inamin ni Heart na malaki ang kinikita niya sa mga paintings niya. Lalo na raw sa mga luxury bags na pinapa-paint sa kanya.

Heaven Peralejo piniling unahin muna ang sarili sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakaharap

Paolo Contis nanghingi ng tawad sa pamilya dahil sa kamaliang nagawa niya sa mga ito