in

Mga netizens nakakalap ng mas maraming ebidensya na sina Paolo Contis at Yen Santos nga ang nasa viral video

Iba talaga ang mga netizens sa paghimay ng mga ebidensya.

Mas maraming patunay na sina Paolo Contis at Yen Santos nga ang nasa viral video. Ito ay ayon sa mga inilabas na ebidensya ng netizens.

Matatandaan na nagviral ang video ng dalawang artista na sweet na naglalakad galing sa Manaog. Nakilala ng mga netizens na sina Paolo at Yen nga ang mga ito.

Dahil ito ay kasunod lang din ng viral din na mga litrato na may kasamang mystery girl si Paolo sa isang kainan sa Baguio.

Lumabas ang mga nasabing litrato isang araw lamang matapos ang panayam ni LJ Reyes kay Boy Abunda.

Matapos ngang mag-viral ito ay ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Paolo at Yen.

Ipinagdiinan ng batikang kolumnista na hindi umano sila Paolo at Yen ang mga nasa viral na video at mga larawan.

“Hindi po si Yen yung babae, lalong hindi po si Paolo yung lalake,” pagdidiin ni Cristy. Dahilan niya, alam na daw nila ang tindig at galaw ng dalawa dahil nakikita nila ito sa personal.

Sinabi din nito na wag daw basta maniwala sa mga Marites ng social media.

Ngunit hindi din nagpatinag ang mga netizens at patuloy silang nangalap ng ebidensya. Na makakapagpatunay na sina Yen at Paolo nga ang nasa viral video.

Isang netizen nga ang gumawa pa ng compilation video na makikitang ang suot na mga tsinelas nina Yen at Paolo ay tugma sa mga suot din nila sa mga post nila sa social media.

Pati na rin ang mga kasuotan ng dalawang celebrity ay hindi pinalagpas ng mga netizens.

Anila, pareho silang naka-white shorts at nakasuot na face shield at face mask at iisa ang komento ng netizens, “Hindi kayo ligtas sa face mask at face shield sa mga mosang cctv.”

Narito ang karagdagang patunay ng netizens:

Jinkee Pacquiao ibinahagi kung gaano kabongga ang quarantine life ng kanilang pamilya

Eric Fructuoso labis ang pasasalamat sa tulong na ibinigay noon sa kanya ni Mark Herras