in

Mga netizen humanga sa kagandahan ni Carla Abellana sa kanyang Prenup photo

Napa wow ang mga netizens sa kagandahang taglay ni Carla Abellana habang suot niya ang kanyang wedding gown.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Carla ang prenup photo nila ng soon to be husband niyang si Tom Rodriguez.

Sa sumunod na post ang Kapuso actress ay ipinamalas naman nito ang kanyang kagandahan.

Suot ang wedding dress na talaga namang mas lalong nagpatingkad sa kanyang mala anghel na mukha.

Pinasalamatan ni Carla si Niko Gonzales na kumuha ng kanyang larawan. Pati na din sina Marvin Santos at Mariah Santos para sa kanyang hair and makeup.

Agad namang umani ng papuri ang napakagandang larawan na ito ni Carla.

Ilan sa mga bumati sa kanya at napawow sa kanyang angking ganda ay sina Jasmine Curtis Smith, Shaira Diaz, Lovi Poe, Arra San Agustin, at Nadine Samonte.

Isang art card din ang ibinahagi ni Carla na tila pahiwatig sa petsa ng kasalan.

Sa November 2021 nakatakdang ikasal sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Gaganapan ang wedding ceremony sa Madre De Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

Isa sa naging matinding paghahanda ni Carla para sa kanyang wedding ay ang paghahanap ng dream wedding gown na isusuot sa kasal. Kinailangan pa niyang lumipad papuntang Amerika para doon bumili.

Sa latest vlog ng aktres ay ipinasilip din niya ang ilan pang paghahanda na kanyang ginawa nitong mga nagdaang buwan mga para sa kanilang nalalapit na kasal ng fiancé.

Kylie Padilla nanawagan para maipasa ang divorce bill sa bansa, matapos ang pahayag ni Aljur Abrenica laban sa kanya

Netizen sobrang na-attached sa isyu nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hindi nakatulog