in

Mga Naiwang Kapatid Ni Mahal Tesorero, Nagpapasalamat sa Pag-aalaga ni Mygz Molino

Masakit at nagdadalamhati pa din ang mga naiwang kapatid ni Mahal Tesorero.

Pumanaw ang komedyante nito lamang ika-31 ng Agosto. Nagulantang ang mga fans ni Mahal sa nakakalungkot na balita.

Para sa kanila, naging biglaan ang pag alis nito sa mundo dahil nito lang mga nakalipas na linggo, naging aktibo pa sa social media ang dating komedyante.

Matatandaan na binista pa ni Mahal ang love team at on screen partner niya noon na si Mura. Binigyan pa niya ito ng tulong dahil hirap na sa paglalakad si Mura ngayon.

Ilang araw na din ang lumipas simula nang namayapa si Mahal pero ang kanyang mga kapatid, hindi pa din lubusang matanggap ang kanyang pagkawala.

Sa kabilang banda, malaki din ang pasasalamat ng mga kapatid niya na sina Lani at Jason kay Mygz Molino.

Nilinaw naman nila na hindi nila isinisisi kay Mygz ang nangyari sa kanilang kapatid. Sa totoo pa nga, pinasalamatan pa nila ito.

Nagpasalamat si Lani at Jason dahil hindi daw iniwan ni Mygz ang kanilang kapatid hanggang sa huling sandali.

Makikita sa mga YouTube vlogs ni Mahal na naging masaya siya kasama si Mygz. Kinagiliwan din sila ng maraming netizens.

OOTD Pambahay ni Paulo Avelino, Patok Sa Mga Netizens!

Jinkee Pacquiao ibinahagi kung gaano kabongga ang quarantine life ng kanilang pamilya