in

Mga larawan at videos ng kawang-gawa ni ‘Mang Boy’ usap-usapan ngayon sa social media

Bago pa man maging viral dahil sa naging engkwentro niya noong New Year, mapagkawang gawa pala itong si Mang Boy!

Matatandaan na kamakailan lamang ay naging trending sa social media ang video ni Mang Boy. Kung saan makikitang may nakaaIitan siyang isang grupo na nagiinuman noong new year.

Sinaway niya ang mga ito na may dala-dala siyang it4k at hiniwa niya ang ginagamit na speaker ng nasabing grupo. Nakarating na din sa Tulfo ang kanilang eksena dahil nga inirekIamo siya ng mga kapitbahay niya.

Dahil dito ay iba’t-ibang meme na ang lumabas tungkol kay Mang Boy, marami din ang tumawag sa kanya na si6a. At ang ilan naman ay binansagan siyang the speaker d3stroy3r.

Samantala, isang netizen naman ang umalma sa mga gumagawa ng katatawanan kay Mang Boy. Aniya dapat ay irespeto din daw ang matanda lalo na’t isa itong retired poIiceman.

Sa Facebook post nga ng nasabing netizen na si Ferl Geronimo, ibinahagi niya ang mga kabutihan na nagawa ni Mang Boy.

Aniya, “Bakit Hindi Ito ang Naging Viral ? Di na Nakuhanan ng mga video, picture yung iba mo pang Ginagawang pag kakawang gawa noon Mang Boy. Grabe Pag mamahal Mo sa Mga Kapit Bahay mo Alam na alam nila yan Imbes na Mag celebrate ka tuwing Birthday mo kumukuha ka ng barbero para may pa libreng gupit sa ka lugar mo may pa tsinelas ka pa. Dahil ayaw na ayaw niyo ng may mga naka paa. Itong nag daang Pand3mic imbes na isave niyo yung pera niyo ginagawa niyong mag asawa namimili para lamang may ma.ipamahagi sa mga kapit bahay. Yan Pala yung Pinag tatawanan, ginawan ng Memes may mga Parody Pa.”

Kalakip nito ay ang ilang larawan at video ng pagtulong ni Mang Boy sa kanilang komunidad.

Dra. Vicki Belo first time lang nakakita ng katol, hindi alam kung paano ito gamitin

Ogie Diaz nagbigay payo kay Xian Gaza sa pagiging ‘Marites’ nito sa social media