in

Mga kaganapan sa civil wedding nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo inilabas na!

Inilabas na ng newlywed couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang official wedding video.

Sa YouTube channel ng Kapuso actress, ibinahagi nito ang maigsing video. Kung saan makikita ang ilang eksena sa kasal nila ni Dennis.

Bagama’t hindi binanggit ang eksaktong petsa kung kailan sila nagpalitan ng “I do”. Sinabi ng longtime sweethearts na masaya sila sa kanilang desisyon.

Simpleng white wedding dress lang ang suot ni Jennylyn ngunit lutang na lutang pa rin ang kanyang ganda dahil sa kaligayahang nadarama sa araw ng kanilang kasal ni Dennis.

Ang kanilang simple subalit eleganteng pag-iisang d’ib’dib ay dinaluhan ng malalapit na tao sa kanila.

Kapansin-pansin ang green motif na kanilang ginamit gayundin ang tila coat na suot ni Jennylyn na talagang blooming sa kanyang wedding.

Samantala, nagbahagi na rin si Dennis ng ilan pang mga larawan mula sa wedding na dapat daw sana’y sa isang taon pa magaganap at hindi dito sa Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Nagpasalamat din ang Kapuso actor sa mga tumulong at nag-asikaso sa kanilang mag-asawa sa araw ng kanilang kasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Saad naman ni Jennylyn sa kanyang IG post, ” We Just got Marrie! Our wedding wouldn’t have been made perfect without the help of some of our friends and favorite local businesses. To the whole team, we are grateful for each and everyone of you. Maraming Salamat po for making our wedding day extra special.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Panoorin dito ang kanilang video clip:

Edu Manzano kinumpirma na may relasyon na nga sila ni Cherry Pie Picache

Xian Gaza agaw atensyon na naman sa social media; sinabing iisang hotel room lang ang tinuluyan nila Yen Santos at Paolo Contis