in

Meryll Soriano ipinasilip ang napakagarbong yate na pagmamay-ari ng kanyang amang si Willie Revillame

Makatapos ang pasilip sa mala-mansyong bahay sa Puerto Galera, Meryll Soriano ipinasilip naman ang yate ni Willie Revillame.

Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ni Meryll ang father’s day sa Puerto Galera.

Kasama ang amang si Willie, ang kanyang mga anak at mga kapatid na sina Juamee at Marimonte.

Ito ay sa kabila ng pagka-busy nila sa kani-kanilang mga schedule.

Kaya naman dahil sa oportunidad na ito ay ipinasilip na din ni Meryll ang yate na pagmamay-ari ng kanyang ama.

At ito ang ibinahagi ng aktres sa part two ng kanyang vlog.

Ang kanyang mga kapatid na sina Jaumee at Marimonte ang nag-guide papunta sa yate.

 

“During our vacation, whenever we spend time with Papa, we stay here in the yacht just chilling and spending time together. Quality time. Kasi ‘di ba very busy si Papa. But he always makes sure that he has time for us, his children,” saad ni Marimonte.

Lahad naman ni Juamee, “Unang-una dito, it’s [aft deck] another place to chill. Kasi the yacht’s all about chilling naman. It’s like a house naman on the water. So, actually, when we were going here from Manila Yacht Club, I was chilling here when we left. And yeah, it’s really cozy.”

Sa pag pasok nila sa yate ay tinanggal nila ang kanilang mg sapatos dahil anila nais daw ng kanilang ama na laging malinis sa loob nito.

Ipinasilip din ng magkakapatid ang iba’t-ibang parte ng yate na para na ding isang malawak na bahay.

Kabilang na dito ay ang cabin, bedroom, wash room, at may master’s bedroom pa.

Panoorin dito ang kabuuan ng vlog ni Meryll:

Dating child wonder na si Serena Dalrymple nagpahiwatig na engaged na siya sa kanyang Foreigner boyfriend

Mccoy De Leon gumawa ng nakakakilig na short film para sa kasintahang si Elisse Joson