in

Melai Cantiveros pinatawad na ang netizen na lumait sa kanyang anak at ibinahagi ang kanilang naging usapan

Agad napatawad ni Melai Cantiveros nang manghingi ng paumanhin ang netizen na nakaalitan niya kamakailan.

Kahapon nga ay nagtrending ang panggagalaiti ni Momshy Melai sa netizen na lumait sa kanyang anak.

Ang nasabing netizen ay avid fan ng young Kapamilya actress na si Francine Diaz. Na nagalit dahil sa pagship ni Melai kay Kyle Echarri at Chie Filomeno.

Nagbanta naman si Melai na ipapahanap niya ito at idedemanda.

Matapos naman magviral ang post na iyon ni Melai ay agad ding humingi ng paumanhin ang nasabing netizen.

Ibinahagi din ni Melai sa kanyang Instagram post ang kanilang naging usapan.

Aniya, may closure na raw sa tinawag niyang “basher serye.”

Ibinahagi rin ni Melai ang screenshots ng direct message conversations nila ng basher na nag-reach out sa kanya. Sinabihan ito ni Melai na mag-sorry at mabilis naman siyang magpatawad.

Ani Melai, “Itu na nga closure ng Basher Serye ng hapon ko ngayun , nareach out nmn cya at marami sinasabi , na hindi nmn ako maniwala na hindi cya nagcomment nun, pero xmpre sinu ba ako para di mapakinggan ang side nya at di cya mapatawad, hayan maging lesson yan na wag basta magpadala sa feelings tapos pipindut nalang na di inaalam kng may mahuhurt kaba na damdamin , matuto tayu Rumespeto ng tao , Respeto is the key para sa matiwasay na buhay , kng di mu gustu ang sinasabi ng ibang tao Irespeto mu, and lets mind our own business at last magpatawad at magmahalan.”

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Prank Gone Wrong: Vloggers na nameke ng ‘road r4ge’ posibleng makul0ng sa ginawa nila!

Juliana Parizcova usap-usapan ngayon dahil sa trending parody niya sa video ni Angelica Panganiban