in

Melai Cantiveros binayaran ang upa sa bahay at electricity bills noon ng pamilya ni Francine Diaz

 

Melai Cantiveros, pasikretong tinulungan pala noon ang pamilya ng batang aktres na si Francine Diaz.

 

 

Sa lahat ng mga istorya ng tagumpay, lahat tayo at nagsisimula sa maliit lamang.

Katulad ng karamihan, ang mga sikat at nagniningning na celebrities ngayon ay nag umpisa din bilang isang extra.

 

 

Isang halimbawa na lamang ang ngayon ay teen star ng ABS-CBN na si Francine Diaz.

 

 

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa na si Francine sa sikat na teen actress ngayon. Sumikat si Francine sa hit teleserye ng Kapamilya network na Kadenang Ginto.

 

 

Ginampanan niya ang papel ni Cassie Mondragon, isa sa mga bida at anak ng role ni Beauty Gonzales. Dahil dito, nakita ang galing ng dalaga sa pag arte.

 

 

Kaya naman sumikat siya ng husto at nagkaroon ng iba pang proyekto. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, nag mula si Francine sa simpleng buhay.

 

 

Sa katunayan, nagrerenta lamang ang kanyang pamilya at ang kanyang magulang ay hindi din sumasahod ng malaki. Sakto lamang sa pangkain ng kanilang pamilya.

 

 

Sa katunayan, may isang pagkakataon na kinailangan bayaran ni Melai Cantiveros ang electric bil ng pamilya ni Francine.

 

 

Sa isang episode ng morning talk show ng Kapamilya network na Magandang Buhay, naibahagi ni Melai ang pagtulong na ginawa niya kay Francine noong ito ay nagsisimula pa lamang sa showbiz.

 

 

Ayon sa actress-TV host, mapuputulan umano ng kuryente noon sila Francine kaya si Melai na ang nagbayad nito para sa kaniya. Para naman kay Melai, ibinabahagi lamang din niya ang mga biyaya na kaniyang natatanggap sa buhay.

 

 

“Hindi naman yun ganoong ka-big deal. Nakiusap lang yung mama niya. Pero siyempre… Kahit ano man yan, ang importante marunong kang tumulong.”

“Very important yan sa akin para pamarisan tayo ng iba,” saad ni Melai.

Tunay nga, matulungin at mapagkumbaba pa din si Melai hanggang ngayon.

R&B Queen na si Kyla, malungkot na ibinahagi ang pagkawala ng kanyang baby sa pangtalong pagkakataon

Kapuso actress na si Andrea Torres excited ng makatrabaho si John Lloyd Cruz