in

McCoy de Leon may sagot sa cryptic post ni Elisse Joson patungkol sa pinagdadaanan ng kanilang relasyon

Cryptic post din ang sagot ni McCoy de Leon sa palaisipang post ng partner niyang si Elisse Joson.

Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse kaugnay sa aniya’y paghihirap nila ng kanyang anak. Isang makahulugang mensahe din ang ibinahagi ni McCoy.

Kahapon nga, March 4, ay agad nag-trending ang post ni Elisse sa Facebook. Sinabi ng aktres na pagod na raw siya at gabi-gabi na lang daw na walang tulog.

Aniya, “Akala ko ok na pero nakakapagod pala. Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip ko kung paano matitigil ‘yung paghihirap namin ni baby.”

Pagkalipas nang ilang minuto ay sumagot si McCoy sa pamamagitan din ng pagpost sa Facebook.

Saad ni McCoy, “Maya’t maya akong nagche-check para siguraduhin na okay kayo. Wala na rin akong maayos na tulog.”

Humiling din siya na sana ay huwag silang susuko dahil aniya, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

“Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby.”

Waring nagpahiwatig ang aktor na hindi siya nagkulang sa kung anumang hinaing ni Elisse.

Hindi nila binanggit ang pangalan ng isa’t isa, pero mahihinuhang magkaugnay ang kanilang Facebook posts.

Maraming fans naman ng McLisse ang nagkomentong sana ay magpakatatag lang ang sila dahil normal ang ups and downs sa buhay.

Pero may duda ang iba na gimik lang para sa kanilang endorsement ng diaper ang pakulong iton nina McCoy at Elisse.

Wowowin choreographer na si Anna Feliciano naghahanap ng bagong dancer, nag-offer ng 40K na sweldo

Ina ng Thai actress na si Tangmo binabatikos ngayon dahil sa pagtanggap ng 30M baht bilang areglo sa pagkawala ng anak