in

Mccoy De Leon gumawa ng nakakakilig na short film para sa kasintahang si Elisse Joson

Idinaan na lang ni Mccoy De Leon ang pagka-miss niya sa nobyang si Elisse Joson.

Sa kanilang anibersaryo, bumuo si Mccoy ng isang shortfilm upang ipabatid sa kanyang kasintahan na si Elisse ang mensahe nito isang taon makatapos silang magkabalikan.

Sa kaniyang YouTube channel, inilabas ni Mccoy ang shortfilm na pinamagatang YAU o You Are Unique.

Kung saan ipinasilip niya ang ilang nakakakilaig na pag-uusapa nila ni Elisse kahit magkalayo sila.

Nagsimula ang 6 minutes na video sa ilang mga katanungan tungkol sa ilang bagay.

“Isa ka ba ng makina? isang ulap? isang poste, isang puno, dalawang ilaw, sabi nga nila you are unique in your own way” saad dito.

“Ang pagiging natatangi, ang mahalaga ay matandaan habang buhay tayo dahil nag iisa ka lang at walang katulad” saad pa ni Mccoy.

Sa huli ay video compilation naman noong mga panahong magkasama silang magkasintahan.

Samantala, nagpahayag din si Elisse ng pagka-miss niya kay Mccoy.

Sa kanyang IG ay nagpost din ng music video si Elisse kalakip ang mga litrato at video nilang magkasintahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Agad namang kinakiligan ng mga fans nila ang mga video na ipinost ng magkasintahan.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Wala talagang katulad ang istorya niyo, sobrang kakaiba, malalim kaya mahirap kalimutan”

“Salamat , Salamat Mccoy at Elisse sa lahat lahat… The Best anniversary gift ever! More to come”

“You Are Unique”, a short but meaningful title. “

“Masayang masaya po kami para sa inyong dalawa”

“Ang bilis ng panahon..You both are grown up matured couple…Keep the love burning”

Noong Mayo ay nagbahagi si Elisse ng collage ng screen grabs ng pag-uusap nila ni Mccoy sa pamamagitan ng video app.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Meryll Soriano ipinasilip ang napakagarbong yate na pagmamay-ari ng kanyang amang si Willie Revillame

Robin Padilla naiintindihan diumano ang pangbababae ni Aljur Abrenica na asawa ng anak niyang si Kylie Padilla