in

Maymay Entrata itinanggi na may relasyon diumano sila ni Donny Pangilinan

Nilinaw ng aktres na si Maymay Entrata ang nabubuong issue patungkol sa relasyon nito kay Donny Pangilinan.

 

 

Bali-balita nitong mga nagdaang araw ang umano’y pagakakamabutihan nina Maymay Entrata at Donny Pangilinan.

 

 

Marami ang naniniwalang may relasyon ang dalawa base umano sa mga kilos at galaw nila pag magkasama.

 

 

Sa isang  ABS-CBN’s online show “HotSpot” ng host na si DJ JhaiHo nitong Huwebes ay nilinaw ni Maymay ang tunay na estado niya.

 

 

Ipinagdiinan ni Maymay na wala silang relasyon ni Donny, talagang naging malapit lang sila sa isa’t isa dahil madalas silang nagkakasama sa iWant ASAP bilang mga host at performer.

 

 

Kasunod nito dinenay din niya ang mga naglalabasang chika na nagde-date sila ng kanyang ka-loveteam na si Edward Barber.

 

 

 

“Isa ito sa assumptions ng sa gayun ay ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man,”

 

 

 

“Siguro nagsimula ‘yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. At doon yata may mga clip na parang nami-misunderstood nila ‘yung mga galawan namin, ‘yung smile namin, na akala nila nagtitinginan. Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero, hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz, wala,” saad ni Maymay.

 

 

 

Nagbigay din ng mensahe ang dalaga sa lahat ng kanyang mga fans na mula noon hanggang ngayon ay patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya — kahit ano pa raw ang mangyari.

 

 

“Nagpapasalamat din ako sa lahat talaga ng mga fan na kumbaga kahit di ako nage-effort na pasayahin kayo, pinapasaya niyo ang sarili niyo. Joke, sorry!

 

 

‘Naa-appreciate ko ‘yon at natutuwa lang din naman ako. Pero para maging clear ang lahat hindi ako kay Donny. Wala pong kahit sino sa showbiz na in a relationship ako,” aniya pa.

 

 

Panoorin dito ang kanyang panayam:

Heart Evangelista binuksan na ang kanyang beach-front resort sa Boracay

Litrato ng lambingang nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada sa Boracay viral ngayon sa social media