in

Mausisang Marites napansin na hindi suot ni Carla Abellana ang wedding ring sa latest vlog nito!

Carla Abellana, hindi nga ba suot ang kanyang wedding ring sa latest YouTube vlog?

Hindi nakaligtas ang maliit na detalye na ito sa mga online Marites na ilang linggo nang hindi makatulog kakaisp sa bagong kasal na Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Napapabalita kasi na hiwalay na umano ang dalawa matapos lamang ang tatlong buwan nang sila ay ikasal. Lalo pang naghinala ang kanilang masusugid na fans nang mag unfollow sina Tom at Carla sa Instagram sa isa’t-isa.

Usap-usapan na may third party umanong kinalaman ang hiwalayang TomCar. Pero hanggang ngayon ay wala pang nagsasalita sa magkabilang kampo tungkol dito.

Kapansin-pansin din  na walang bagong photos na magkasama ang mag-asawa kahit na sa mga vlogs ng Kapuso actress.

Pero nitong nakaraan lamang, nag “dinner date” pa ang dalawa na si Tom mismo ang nagbahagi sa social media.

Sa kabilang banda, may napansin na naman ang mga mausisang Marites na ilang linggo nang napapatanong kung ano ba talaga ang lagay ng mag-asawa ngayon.

Sa latest vlog ni Carla, ibinahagi niya ang kanyang pagpapa-tattoo kasama ang kanyang kapatid. Ayon sa aktres, matagal na daw nilang gusto gawin kaso nagkaroon ng oandemy4. Kaya naman nitong lumuwag-luwag ay itinuloy na nila.

Nagpa-tattoo si Carla ng maliit na puso sa likod ng kanyang tenga. Sumisimbolo kaya ito ng self-love?

Pero ang pinakamalaking tanong, bakit walang suot na kahit anong singisng ang aktres sa vlog nito? Hindi na makikita ang kanyang engagement o wedding ring.

Panuorin ang vlog dito:

Jelai Andres at Buboy Villar kumasa sa ‘Jowa Challenge’ mga netizens kinilig at naaliw sa dalawa

Barbie Imperial nakatikim ng sermon kay Teresa Loyzaga dahil sa laging pagtambay nito sa bahay ni Diego