in

Matapos ng kanyang mga pahayag, Long Mejia nanghingi ng patawad kay Ellen Adarna

Humingi ng paumanhin si Long Mejia sa mga naging pahayag niya laban sa co-star na si Ellen Adarna.

Sina Ellen at Long ay magkasama sa TV5 sitcom na John en Ellen.

Ilang oras laman ang nakalipas ng ilathala ng PEP.ph ang naging pahayag ni Long Mejia,

Tungkol sa pagwa-walakout umano ni Ellen sa taping ng kanilang sitcom sa TV 5 ay nagpadala ng video message ang komedyante na humihingi ng apology mula sa aktres.

Tinawag na unprofessional ni Long si Ellen dahil sa pagwo-walk out nito sa last day ng lock-in taping.

Sa isang resort sa Laiya, Batangas. Pati ang nobyo ni Ellen na si Derek Ramsay ay idinamay ni Long.

Nitong August 5 ng gabi, isang “tiklop tuhod” na Long ang napanood sa video message nito, nagso-sorry sa mga binitiwan niyang salita sa kanyang PEP interview.

Kalmadong pahayag ni Long: “Ellen… Ako ay tiklop-tuhod na humihingi sa iyo ng pasensya. Pasensya ka na. Huwag ka magagalit sa akin.

“Medyo hindi ko alam kung ano ang mga pangyayari.

“Kung may nasabi man ako dun sa PEP Talk, pagpasensyahan mo na ako. Ako ay humihingi ng tawad.”

Ipinaliwanag ni Long na ang mga binitiwan niyang salita ay dala raw ng pagmamahal niya sa kanilang sitcom.

“Sa mga tagasubaybay ko, lalo na diyan sa nasulat sa PEP Talk, pasensya na ho kayo. Dala po ng opinyon lang po yung sa akin, yung nasabi ko tungkol kay Ellen Adarna.

“E, wala naman ho sana akong masamang ibig sabihin nun. Dahil sa pagmamahal ko lang po sa John en Ellen, na hindi ko alam ang mga pangyayari na naganap noong araw na iyon.

“Wala naman sa akin nagsabi kung anong nagaganap noong araw na iyon.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Litrato nina Nadine Lustre at ng kanyang rumored new boyfriend viral ngayon sa social media

Kisses Delavin pina-wow ang kanyang mga fans sa pinakabagong photoshoot for Miss Universe Philippines 2021