in

Matapos mabingwit ang Gold Medal sa Olympics, Hidilyn Diaz mas minahal ng maraming brands

Iba din talaga ang nagagawa ng pagiging kampeon, kung dati ay walang nais tumulong ngayon naman ay bumubuhos na ito.

Ito ang eksaktong nararanasan ngayon ng Olympics Gold Medalist na si Hidilyn Diaz.

Sa pagkasungkit ni Diaz ng Gold Medal ay maraming product brads ang kanya-kanya na ngang gumawa ng marketing strategy.

May mga kumpanya na nagbigay ng lifetime service para sa atleta, may ilan din na libre na din panghabang buhay.

Sa social media naman ay iba’t-ibang pakulo ang ginawa ng mga product brads para magbigay pugay kay Diaz.

Tulad na lamang ng Orocan na talagang nag top trending pa sa Twitter.

Saad sa kanilang art card, “WAG NA TAYONG MAGPLASTIKAN! Last year, na-seen si Hidilyn sa ‘ting mga brands. Ngayon, cheer zone tayo sa kanya. Orocan yarrrn?”

Kung tutuusin ay realtalk ang ginawang ito ng Orocan, dahil matatandaan na nakaraang taon ay nanawagan ng tulong si Diaz.

Nangailangan kasi siya ng tulong para sa laban niya nakaraang taon ngunit hinid bumuhos ang pagsuporta sa kanya.

At nang manalo naman siya ngayon at nabingwit ang gintong medalya ay biglang buhos ang mga nais tumulong.

Pataasan pa nga ang bigay ng iba’t-ibang kumpanya at mga kilalang negosyante.

Ngunit nagamit din umano ang pagpupunyagi para kay Diaz sa paninira kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ayon pa kay Belmonte sana daw ay hindi na dinamay si Diaz sa mga gustong manira sa kanya.

Samantala, maraming brands nga ang gumawa ng kani-kanilang art card bilang tribute kay Diaz.

Mula sa mga kumpanya ng kotse, kilalang brands ng kape, mga fastfood chain, mga banko, at pati mga essential products.

At nai-compile ito ng isang netizen na tinawag niyang Hidilyn Cards.

Narito ang mga art card na trending ngayon sa social media:

JK Labajo ikinampanya ang girlfriend na si Maureen Wroblewitz sa pagsali nito sa Miss Universe Philippines 2021

Mga bagong larawan ni Kisses Delavin pang Miss Universe na talaga ayon sa mga netizens