in

Matapos kumpirmahin ni LJ Reyes ang kanilang hiwalayan, Paolo Contis spotted na may kasamang ibang babae

Isang araw lang ang lumipas matapos ang kumpirmasyon sa kanilang hiwalayan. Paolo Contis namataang may kasamang ibang babae.

Kahapon ay isang emosyonal na LJ Reyes ang humarap sa panayam ni Boy Abunda sa digital talk show nito.

Kung saan ay kinumpirma na niya na hiwalay na nga sila ng dating partner at ama ng kanyang anak na si Paolo Contis.

Ani LJ, “It was so difficult, it was so painful.”

Patuloy niya, “Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”

Nang tanungin ang aktres kung sino ang humiwalay, sinabi ni LJ na, “Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”

Hindi malinaw kung ang ibig sabihin ni LJ kung ang tinutukoy niya ay kung tingin niya ay nanlamig sa kanya si Paolo.

Samantala, hindi agad nasagot ni LJ ang tanong ni Boy Abunda sa kanya.

Kung may third party ba sa hiwalayan nila ni Paolo Contis.

Dalawang beses itong naitanong sa kanya ni Boy Abunda at sa parehong pagkakataon. Ilang segundong nanahimik ang Kapuso actress.

Nasabi naman nito ang pahayag na “I think marami po ang makasasagot niyan kahit hindi po ako sumagot.”

Marami din umanong concern sa kanya na nagpapadala ng mga larawan na nakikita si Paolo.

Ngunit lagi daw itinatanggi ng aktor ang mga akusasyon na ito tuwing napaguusapan nila.

At nitong araw nga lamang ay may lumabas na litrato na namataan ang aktor na may kasamang ibang babae sa Baguio.

Ayon pa sa post ng hindi kinilalang source ay nagsusubuan at napaka sweet pa daw ni Paolo. At ng kasama niyang babae habang kumakain.

Kaya naman mas lalong umigting ang hinala ng netizens na 3rd party talaga ang dahilan ng hiwalayang Paolo at LJ.

Mura hindi makapaniwala at labis ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng kaibigang si Mahal

Kiray Celis ibinahagi kung paano alagaan at mahalin ni Mygz Molino si Mahal sa kanilang set