in

Matapos kay Barbie Imperial, Xian Gaza si Barbie Forteza naman ang napagbalingan

Si Barbie Forteza naman ngayon ang pinagtuunan ng pansin ng internet personality na si Xian Gaza.

Certified Marites ng social media na nga kung ituring ng netizens si Xian Gaza. Lagi kasi itong nagsisiwalat ng mga isyu tungkol sa mga celebrity.

Kahapon nga lang November 17, sunod sunod ang mga naging patutsada niya sa magkasintahan. Na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Isiniwalat ni Xian na binibisita umano ni Diego si AJ Raval sa Pampanga. Habang hinihintay siya ni Barbie sa Maynila.

Ngunit tila hindi namang binigyang pansin ito ni Diego. Sa Instagram post pa nga ng aktor ay sinabi nitong chill lang sila ng kanyang nobya.

Ayaw na lang daw umano nilang patulan ang mga pagiingay na ginagawa ni Xian. Although hindi siya nagbanggit ng pangalan ay paniguradong para ito kay Xian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

At matapos nga kina Barbie at Diego, isang Barbie naman ang napagbalingan ni Xian. At ito nga ay ang Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Aa kanyang Facebook post, bumating muli ng magandang umaga si Xian. Ngunit except lamang daw kay Barbie.

Aniya “Good morning po sa lahat except kay Barbie Forteza.”

Sa comment section naman ng kanyang post  sinabi nitong may chika daw siya tungkol sa boyfriend ni Barbie.

Nangyari daw ito noong last week ng September sa kahabaan ng Tomas Morato. Ngunit hindi naman itinuloy ni Xian kung ano man ang isisiwalat niya.

Gaya ng lagi niyang ginagawa ay binitin niya muna ang kanyang chismis.

Kaya naman maraming netizens ang nag-aabang ngayon kung ano nga ba ang isisiwalat niya tungkol kay Jak Roberto na nobyo ni Barbie.

Cherry Pie Picache at Edu Manzano namataang sweet sa isa’t-isa sa New York, may namumuong relasyon nga ba?

Dahil sa pagmention sa kanya sa mga blind item, Skusta Clee hindi napigilang magmura