in

Matapos ang walong buwan na paghihintay, mamahaling bike parts ni Ion Perez dumating na!

Di mailarawan ang saya ni Ion Perez nang sa wakas ay dumating na ang matagal na niyang hinihintay.

Isa si Ion Perez  sa mga artistang nagsimula sa ibaba.

Dati ay sumasali lamang ito sa mga pageant at nagmomodel bago pa ito makapasok sa “It’s Showtime”.

At noong nakapasok na nga ito sa “It’s Showtime” doon na nagsimulang magbukas ang iba pang oportunidad para kay Ion.

Dito rin siya unti-unting nakilala bilang artista.

Mas naging maingay ang kanyang pangalan ng maiugnay siya sa real life partner niya ngayon na si Vice Ganda.

Noong una ay patago lamang ang kanilang relasyon pero di nagtagal ay isinapubliko na rin nila ang kanilang pagmamahalan.

At sa paglipas ng panahon ay mas lalong tumitibay ang kanilang pagsasama.

Sa ngayon ay hindi lang bilang si Kuya Escort kilala si Ion Perez.

Abala na rin siya ngayon sa pag-gawa ng vlog sa YouTube makatapos ang pelikulang “Kaka” na kanyang pinagbidahan.

Sa mga proyektong kanyang mga nagagawa ay nakakabili na din ngayon si Ion ng mga bagay na pinapangarap lamang niya noon.

Kamakailan nga ay ibinahagi ni Ion ang kanyang mamahaling motor na Ducati.

Ang ganitong klaseng motorsiklo ay nagkakahalaga ng 1 milyon hanggang 3.2 milyon, dahil sa ganda ng mga pyesa at porma ng motor na ito.

Sa pinaka-latest vlog naman ni Ion ay ibinahagi niya ang matagal na niyang hinihintay.

Aniya walong buwan daw niyang niligawan ang bagay na ito at sa wakas ay napusuan na daw siya.

At ito nga ay ang mamahaling frame set ng bike na ang brang ay “De Rosa

Ayon sa ilang website nagkakahalaga ang De Rosa ng 6,800 dollars o mahigit 325,000 pesos.

Tinawag pa nga ito ni Ion na “Bike na may Puso”

Panoorin dito ang kanyang video:

Jodi Sta. Maria gagraduate na matapos makapasa sa tatlong oras na final thesis defense

No makeup look ni Regine Velasquez ibinida ng asawang si Ogie Alcasid