in

Matapos ang usap-usapan na may bagong BF na si Nadine Lustre, James Reid binebenta na ang bahay na nagsilbing ‘love nest’ ng JaDine

Matapos lumabas ang usap-usapan na may bagong nobyo na si Nadine Lustre, James Reid binebenta na ang kanyang bahay.

Maraming fans ang nalulungkot ngayon dahil binebenta na ng aktor ang kanyang mansion na nagsilbing “love nest” nila ng ex-girlfriend na si Nadine Lustre.

Nitong mga nakaraan, sunod sunod na nag viral ang mga pictures ni Nadine kasama ang rumored new boyfriend nito na si Christophe Bariou.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni James na ipinagbibili na niya ang kanyang bahay sa Loyola Grand Villas sa Katipunan.

“My house is for sale!” caption ng Diary Ng Panget star kalakip ang iba pang detalye para sa mga interesadong bumili nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)

Sa comment section, hindi mapigilan ng mga fans na ihayag ang kanilang “broken hearts” dahil nag silbing love nest daw nila ito ni Nadine.

Noong magkarelasyon pa ang dalawa, maraming pictures ng JaDine ang kuha sa loob ng bahay ni James.

Komento pa ng isa nilang fan, “The market value is affordable but the sentimental value is priceless.”

Una nang kinumpirma ng dalawa na sila ay hiwalay na noong January 2020 sa pamamagitan ng joint statement.

JaDine, closing all the chapters na nga ba talaga?

Ilang mga celebrities naiyak sa pregnancy journey vlog ni Alex Gonzaga

Jeyrick Sigmaton o mas nakilala bilang si ‘Carrot Man’ nanalong best actor sa New York