in

Matapos ang palitan ng maaanghang na salita, Barbie Imperial at AJ Raval nagka-ayos na

Nagka-ayos na ang mga aktres na sina AJ Raval at Barbie Imperial matapos ang naging alitan nila kamakailan.

Sa ulat ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Barbie na nagka-ayos na nga sila ni AJ. Matatandaan na ilang linggo lang ang nakalipas ng sila ang maging laman ng balita.

Nagbatuhan pa nga ng maaanghang na pahayag laban sa isa’t-isa ang parehong kampo. Nag-ugat ito dahil sa isyung inilabas ni Xian Gaza.

Na diumano’y binibisita ng nobyo ni Barbie na si Diego Loyzaga si AJ sa bahay nito sa Pampanga. Habang hinihintay siya ng aktres sa Maynila.

Samantala, sa naging pahayag nga ni Barbie sa ABS-CBN News sinabi nitong nakatanggap siya ng unsent message sa Viber mula kay AJ.

Kaya naman siya na ang unang tumawag sa anak ni Jeric Raval para mapag-usapan ang naging hidwaan nilang dalawa.

Ani Barbie, “Oo nag-message nga siya siguro 4 days ago. Actually, unsent nga niya ‘yung message niya sa Viber e. Di ba makikita naman pag ganu’n, ako na ang nag-message, sabi ko, ‘o AJ?’ Tapos ‘yun nga nag-sorry tapos pinangaralan ko.”

Sa naging special screening ng pelikulang “Dulo” na unang movie team up nila ni Diego. Ibinahagi din ni Barbie na ayos na nga ang lahat sa kanila ni AJ.

Sangkot si Diego sa naging iringan nina Barbie at AJ. Sinabi kasi ni Barbie na gusto umanong maging kabit ni AJ. Pero pinabulaanan ito ni AJ at sinabi pang never nanligaw si Diego sa kanya at hindi sila nagkaroon ng relasyon ng aktor. Nagkasama sina AJ at Diego sa pelikulang “Death of a Girlfriend.”

At least ngayon sabi nga ni Barbie, “Tapos na, okay na, nag-sorry na.”

All’s well that ends well.

Kauna-unahang N.F.T Artwork ni Heart Evangelista nabenta sa halagang P3.6 million.

Bea Alonzo tuwang-tuwa sa pagkudkod, nag-enjoy din sa pagluluto ng biko