in

Matapos ang labinglimang buwang pamamahinga, Janella Salvador balik trabaho na!

After 15 months na pamamahinga sa showbiz, magbabalik trabaho na ang Kapamilya actress na si Janella Salvador.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, ay ibinahagi ng aktres ang litrato niya sa loob ng compound ng ABS-CBN.

Aniya ay masaya siyang nakapagtrabaho siyang muli. Kalakip nito ay binahagi niya ang litrato niya na nakaayos at suot ang yellow na damit.

“Today, I was finally able to work for the first time in 15 months,” saad ni Janella sa kanyang caption kalakip ang hashtag na #happyday.

 

Wala namang ibinahaging detalye si Janella sa bago niyang proyekto.

Matatandaan na pansamantalang nagpahinga ang actress sa showbiz dahil sa kanyang pagbubuntis.

September 2020, lumipad sina Janella Salvador kasama ang ama ng kanyang baby na si Markus Paterson papunta sa United Kingdom para doon manganak.

January 2021, ay ipinakilala na nina Markus at Janella ang napakacute nilang baby sa publiko na si Baby Jude.

Sa isang panayam kamakailan ng mga hosts na sina Slater Young and Kryz Uy sa kanilang podcast sinabi ni Janella na kailangan nito konting panahon bago ito mawalay sa anak ng medyo matagal.

“When I was in the UK, I was super excited to get back and work. But now that I’m here, I realized na it’s so hard pala to settle down. When you’re coming from a different country and you have a baby, I really need more time to settle down,”

“Because when I work, because of C0VID, tapings now are locked-in so I have to leave him for about three weeks straight. I can’t see him.”

“It’s hard. It’s really hard just thinking about it,” saad ni Janella.

Marami naman sa kanyang mga fans ang nagpakita ng excitement sa pagbabalik ni Janella.

Unico Hijo ni Jericho Rosales na si Santino negosyante na din sa edad nitong 20

“Para sa mga pangit lang iyan” Ellen Adarna hindi chinecheck ang phone ni Derek Ramsay