in

Matapos ang hit series na ‘Legal Wives’ Dennis Trillo usap-usapang babalik na sa ABS-CBN

Totoo nga kayang magbabalik Kapamilya na ang Kapuso actor na si Dennis Trillo?

Ito ang katanungan ngayon ng publiko matapos ang minahal ng masa na teleserye ng aktor sa GMA na ‘Legal Wives’

May umugong kasing balita na isang premyadong aktor mula sa syete ang papasok. Sa longest running series ng ABS na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Kung saan gaganap daw ito bilang kontrabida sa nasabing show.

Sumakto naman ang balitang ito sa pagtatapos ng pinagbibidahang serye ni Dennis. Kaya hinuha ng marami na siya ang tinutukoy na premyadong Kapuso actor.

Mula pa kasi 2017 ay freelancer na si Dennis dahil napag alaman na noong 2014 pa siya huling pumirma ng 3 years exclusive contract sa GMA.

May bulong bulungan din na masama daw ang loob ni Dennis sa GMA noong 2019. Dahil hindi umano binati ng network ang aktor sa pagkapanalo nito. Bilang Best Actor para sa pelikulang One Great Love sa MMFF.

Nagpost daw kasi ng mga panahon na iyo si Dennis sa kanyang social media account ng “Ganyan kami ka-importante sa GMA”

Pero agad ding ipinaliwanag ng aktor na hindi siya ang nagpahayag noon at na hack umano ang kanyang account.

Samantala, kahit hindi na-renew ang exclusive contract ni Dennis sa Kapuso Network. Tuloy tuloy naman ang ginagawa niyang proyekto sa istasyon.

Hindi siya nawawalan ng palabas sa GMA at suportado pa ng mga ito ang pagbubuntis ngayon ng kanyang fiancé na si Jennylyn Mercado.

Kaya kung lilipat nga siya sa ABS ay malamang na mapulaan siya ng mga netizens.

Dahil mas umusbong ang kanyang career ng lumipat siya sa GMA. Kahit pa nagumpisa siya sa ABS at naging parte din ng Star Magic.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Dennis ukol dito. Dahil abala siya ngayon sa pag-aalaga sa kanyang soon to be wife.

Public apology ni Enchong Dee dinedma ni Cong. Claudine Diana Bautista Lim, pinagmumulta pa ang aktor ng 1 billion

Ayon sa reliable source ni Jun Lalin, Ravyer Cruz at Janine Gutierrez hiwalay na