in

Mark Herras may cryptic post, piniling manahimik sa gitna ng patuloy na pangbabatikos ni Lolit Solis

“Silence is the best response to a fool”

Ito ang makahulugang post ng aktor na si Mark Herras. Silence is power umano sa gitna ng issue nila ni Lolit Solis.

Magpasa hanggang ngayon kasi ay tila hindi pa din natatapos ang pangbabatikos ni Manay Lolit sa aktor.

Nag-umpisa sa pagbubulgar ng pangungutang nito sa kanya ng 30K para pangbili umano ng gatas ng anak.

Na tila sinagot din ni Mark sa kanyang Instagram post kamakailan. Aniya ayaw niyang palakihin ang anak niya sa tsismis, at ibinahagi pa nito na breastfed ang kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

Hanggang sa nakisali na din si RR Enriquez para ipagtanggol si Mark sa mga nagng pahayag ni Lolit.

At syempre hindi naman ito pinalagpas ng batikang kolumnista. May matinding pahayag din siya laban sa mga nagtatanggol sa aktor.

Ngayong araw naman, Biyernes, August 20, ay inanunsyo ni Manay Lolit na bibitawan na niya si Mark.

Sa kanyang pahayag ay hindi pa din nawala ang simpleng pangungutya niya sa dating alaga.

“At para narin iyon nakukuha ko na komisyon mula sa kanya hindi na mabawas sa konti niyang kinikita. Nakakaawa naman na ang laki ng cash advance niya sa GMA7 na binabayaran niya, tapos meron pa akong parte sa TF niya.”

Samantala, tila ayaw ng bigyan ng pansin ni Mark ang patutsadan ito ni Manay Lolit sa kanya.

Isang cryptic message na lang ang pinost ng aktor tungkol sa pananahimik.

Kalakip ng art card na mababasang “Silence is the best response to a fool” at “Silence is Power” nilagyan ito ni Mark ng caption na “BASIC”

Tila nais iparating ni Mark na nais niya na lang manahimik kesa pumatol pa.

Nakakatuwang video noon ni Lyca Gairanod kasama ang “The Voice Kids” singer kinagigiliwan ngayon ng netizens

Nadine Lustre namataang masayang nagbabaksayon sa Siargao kasama ang rumored French Filipino boyfriend