in

Mark Herras binasag na ang katahimikan sa naging isyu nila ni Lolit Solis tungkol sa Php 30,000!

Binasag na ng aktor na si Mark Herras ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu nila ng kanyang dating manager na si Lolit Solis.

Naging trending ang pangalan ni Mark at Lolit noong nakaraan nang mag bigay ng komento ang manager tungkol sa pagpapautang nito ng Php 30,000.

Sa naging interview ng aktor sa Tunay na Buhay kasama si Pia Arcangel, natanong ng host kung totoo ba ang isyu tungkol sa pera na binigay umano ni Loliy para sa pang gatas ng kanyang anak.

Mariing itinanggi ng StarStruck Season 1 Ultimate Survivor ang paratang sa kanya ng dating talent manager.

“Kaya rin kami nagkaproblema ni Nanay kasi siyempre nadamay na ‘yung anak ko eh,” aniya.

Pagpapaliwanag niya, “Kasi si Corky is breastfed from day one. So, sabi ko, ‘Paano ko manghihingi ng pang-gatas kung breastfed si Corky from day one up to now?’”

Sabi ng aktor, ginawa lang daw ito ni Lolit para umingay muli ang kanyang pangalan. Pero hindi daw ito nagustuhan ni Mark dahil nadamay na ang kanyang anak.

Kaya humantong siya sa desisyon na tanggalin si Lolit bilang kanyang talent manager.

“Pero this time kasi ayaw ko lang din nung naging ingay kasi nadamay ‘yung anak ko eh. Kaya humantong kami sa pag separate namin ni Nanay na hindi ko na siya manager, ‘di ba? Pero, Nanay will always be my nanay,” hayag niya.

Si Mark ay ikinasal na din sa nanay ng kanyang anak na si Nicole Donesa.

Kylie Padilla nagsalita na tungkol sa pagkakaugnay ni Aljur Abrenica kay AJ Raval!

TIGNAN: Nagpakasal ang lalaking ito sa isang rice cooker! “She can cook”