in

Mark Herras at Nicole Donesa ikinasal na through civil wedding ceremony

Ikinasal na ang Kapuso celebrity couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa.

Ngayong araw, Sept. 19, ibinahagi ng bagong kasal sa social media ang naganap na simpleng civil wedding ceremony.

Ito ay idinaos noong Sept. 8, 8 a.m., sa Quezon City Hall. Si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City mismo ang nanguna sa civil wedding ceremony ng mag-asawa.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Nicole ng ilang wedding photos nila ni Mark na may caption na, “We tied the knot (heart and infinity emoji) on Mama Mary’s birthday.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ɪᴄᴏ♡ (@nicole_donesa)

Ibinahagi din ni Mark sa kanyang Instagram ang kaparehong larawan. Aniya sa caption, “Got married Hi Mrs. Herres”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

Samantala, ipinaliwanag naman ng dalawa ang kanilang desisyon na magpakasal at sinabing kaya nila ito ginawa upang maging ligal ang kanilang pagsasama.

Dagdag pa ng dalawa, para rin umano sa anak nila na si Corky.

Bagama’t civil wedding ceremony pa lamang ang kanilang kasal, balak pa rin umano nilang magkaroon ng kasalan sa simbahan kapag mas maayos na umano ang sitwasyon.

Ibinahagi rin ng bagong kasal sa kanilang YouTube vlog ang ilang detalye tungkol sa naganap na intimate wedding na dinaluhan lamang ng lima nilang kapamilya.

Pahayag ni Nicole, “We’re really happy with the simple celebration we did. Kaya kami nagpa-civil wedding na with Mayor Belmonte and our ninongs and ninangs is because we wanted to be legal na.”

Saad naman ni Mark, “So legal na kaming mag-asawa talaga.”

Bumuhos naman ang mensahe ng pagbati kina Mark at Nicole mula sa kanilang mga fans at celebrity friends

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang vlog:

Dating “Balut” vendor nagsumikap paaralin ang saril, isa ng ganap na engineer ngayon

Bea Alonzo ipinasilip ang masayang pag-harvest niya sa kanyang farm sa Zambales