in

Mario Maurer, Gusto Jowain Si Liza Soberano At Tropahin Naman Si Bea Alonzo!

Sino nga bang hindi mahuhumaling sa kagwapuhan ni Mario Maurer?

Natatandan niyo pa ba ang Thai actor na naging crush ng buong sambayanan?

Si Mario ay unang nakilala sa Pilipinas dahil sa kanyang romantic comedy movie na “A Little Thing Called Love.”

Simula noon, tumatak na ang mukha at pangalan ni Mario sa kanyang Filipino fans. Nagkaroon pa siya ng movie together with Erich Gonzales kung saan din niya nakasama si Kakai Bautista.

Pero sino nga ba ang natitipuhan ng Thai actor sa mga Pinay actresses?

Sa nagdaang virtual press conference noong May 11, isa si Mario sa mga na interview dahil ambassador siya ng isang telecommunications company.

Sa nasabing virtual press con, hindi nakaligtas ang Thai actor sa “Totropahin o Jojowain” Challenge. Ipinaliwanag naman sa kanila kung ano ito at game na game din sumagot.

Dalawa sa mga Pinay aktres na nabanggit ay ang nag gagandahang Liza Soberano at Bea Alonzo.

Para kay Mario, jojowain niya daw si Liza. Habang tropa naman si Bea.

Si Mario ay 32 habang si Liza ay 23 at 33 naman si Bea.

Pero para sa Thai actor, mahusay at hanga daw siya sa galing umarte ni Bea at gusto pa nga niya na maging guide daw ito sa acting kung makakagawa siya ulit ng film dito sa Pinas.

Ang huling pelikula ni Mario sa Pinas ay ang Suddenly It’s Magic na pinag bidahan nga nila ni Erich.

Pero hanggang ngayon, ramdam pa din ni Mario ang suporta ng kanyang mga Pinoy fans.

Silipin Ang Resthouse Business Ni Chito Miranda at Neri Naig!

Ruffa Gutierrez Balik Eskuwela Matapos Ang 34 Na Taon!