in

Mariel Padilla nasaktan ng kwestyunin ng kanyang childhood friend ang pagpasok ng mister na si Robin sa politika

Aminado si Mariel Padilla na nasasaktan siya tuwing may bumabatikos sa asawang si Robin Padilla sa pagtakbo nito sa Senado.

Sa latest vlog ni Mariel, naka one on one interview niya ang kanyang mister na si Robin. Dito ay pinagusapan nila ang tungkol sa kandidatura ng aktor.

Ayon kay Robin kung hindi siya pinayagan ng asawa at mama niyang si Eva Carino-Padilla ay hindi siya tutuloy sa pagtakbo.

Pero buo daw binigay ng mga ito ang kanilang suporta na siyang nagpalakas ng kanyang loob.

Sa tanong naman ni Robin sa asawa kung hindi siya naapektuhan ng mga pinagsasasabi ng bashers, “Honestly, hindi kasi I know you and hindi ako nagbabasa kasi I protect my peace ‘coz I get affected, get hurt.”

May in-unfriend nga raw siyang childhood friend niya dahil nagsalita ng hindi maganda kay Robin.

“When it comes to Robin I take it personally. May issue kasi siya sa administrasyon which hindi ka naman part. Pag friend kita, super friend kita to the max, kung ano yung beliefs mo hindi ko sasanggain basta friend kita.”

“Early on, I had a childhood friend who, para sa akin, kwinestyon niya na tumatakbo ka,” kwento ni Mariel sa asawa.

Hirit naman dito ni Binoe, “Childhood friend? Hindi mo friend yun”

Sa lahat daw ng isyung ibinato kay Robin ay masyadong naapektuhan ang asawa niya. Nang sabihing hindi ito qualified sa pagtakbo bilang senador.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

Barbie Imperial nakatikim ng sermon kay Teresa Loyzaga dahil sa laging pagtambay nito sa bahay ni Diego

Diego Loyzaga at Barbie Imperial kumpiramdong nag-uusap pa din matapos ang hiwalayan!