in

Mariel Padilla aminadong hindi kaya na wala ang kanilang mga kasambahay

Nahirapan si Mariel Padilla nang pansamantala siyang iwan ng kanilang mga kasambahay.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Mariel ang kanyang karanasan habang wala ang kanilang mga kasambahay.

Ipinakita ni Mariel Padilla kung paano niya kinaya ang mga gawain niya sa bahay nang wala ang kanyang mga yaya.

Saad ni Mariel bilib siya sa mga nanay na nakakaya ang lahat ng gawaing bahay na walang katulong.

Lalo na ang pagaasikaso at pagaalaga sa kanilang mga anak.

Naranasan kasi ni Mariel ang hirap ng walang katulong ng iwan sila pansamantala ng kanilang kasambahay.

Dahil kailangang magpabakuna ng mga ito.

Kaya naman lahad ni Mariel ay natatakot daw siya na hindi niya makayanan o matapos ang mga gawaing bahay.

Sa kanyang video makikita na inasikaso ni Mariel ang kanyang mga anak. Pinakain at pinaliguan niya ang mga ito.

Pagtapos naman nito ay kinailangan niyang magdeliver ng mga order sa mga paninda niya.

Kaya kinailangan niyang iwan muna sandali ang kanyang mga anak.

Ang mister naman niyang si Robin Padilla ay nasa isang kwarto at hindi pwedeng lumabas.

Nakaquarantine kasi ito makatapos niyang umalis sa kanilang tahanan upang gumawa ng docu series.

Hindi naman itinanggi ni Mariel na nahirapan siya. Pinakita niya ang mga ligpitin dahil hindi niya na naayos ang mga pinaglaruan ng mga anak.

Nang dumating na ang kanyang mga kasambahay, hindi maitago ni Mariel ang tuwa at sa wakas ay makakapagpahinga na siya.

Hindi na iba ang turing nina Mariel at Robin sa kanilang mga kasambahay.

Pamilya na ang pakikitungo nila sa mga ito.

King matatandaan ay binigyan pa mismo ng mag-asawa ng bahay ang mga ito.

Kaya maraming kasambahay ang nagnanais na sila ay maging amo.

Panoorin dito ang kanyang video:

Tindero ng balut sa Cavite nakatanggap ng brand new na motorsiklo galing sa kanyang mga suki

Plain housewife ang peg! Julia Montes ibinahagi ang paglilinis niya ng kanilang inidoro