in

Marian Rivera napipintagan nga ba ni John Lloyd Cruz na maging leading lady sa isang project?

Buhay na buhay na muli ang mga tagahanga at tagasuporta ng nag-iisang John Lloyd Cruz.

Matapos ang ilang taong pagkapahinga ng sikat na aktor mula sa showbiz ay mainit pa din ang pagtanggap ng manunuod sa kanya.

Kaya ganoon na lamang ang naging kinalabasan ng kanyang sitcom sa Kapuso Network na Happy ToGETHer na kanya din come back sa telebisyon.

Nagsimula ang airing ng show noong nakaraang taon, December 26, 2021. Habang tumatagal, tumataas pa lalo ang rating nito. Sa katunayan, may rating sila na 13.9% noong nakaraang linggo, January 9, 2022.

Ganoon na lamang ang tuwa at pasasalamat ni John LLoyd sa mga nanood ng mga naunang episodes ng kanyang sitcom sa Kapuso.

Si Faith da Silva ang naging guest nila noong nakaraang episode at marami ang nagsasabi na may spark at chemistry ang dalawa.

Tungkol naman sa leading lady, mukhang napipintagan ni LLoydie na makatrabaho ang Kapuso star na si Marian Rivera.

Nang tanungin siya tungkol dito, sinabi ng aktor na hinahanapan na ng schedule na mapag-usapan ang magiging konsepto.

Totoy sa Palawan na tinawag na ‘Baby Face’ apat na ang naging kasintahan sa murang edad

Xian Gaza kinwestyon kung magkano nga ba ang ambag ni Ion Perez sa 500K na donasyon nila ni Vice Ganda