in

Marco Gumabao nagpasintabi kay Jake Cuenca para sa eksena nila ni Kylie Versoza

Ibinahagi ni Marco Gumabao na nagpaaalam muna siya kay Jake Cuenca bago itodo ang eksena nila ni Kylie Versoza.

Isa kasi si Marco sa magiging leading man ni Kylie. Sa upcoming movie nila under Viva Films na ‘My Husband, My Lover’

Grabehan kasi ang mga love scenes ng dalawa sa trailer pa lamang ay talagang mapapalunok na ang mga manonood.

Para kay Marco, ito na raw ang pinakamatinding se’xy movie na nagawa niya mula nang magsimula siya sa showbiz in terms of halikan at love scenes.

Pagbabahagi ni Marco dahil nga sa mga sensitibong eksena nila ng beauty queen-actress sa movie. Talagang nagpasintabi at hiningi niya ang permiso ng boyfriend nitong si Jake Cuenca.

“When I read the script, nagandahan po talaga ako kaagad. Pero at the same time, kinabahan ako kasi very big ang requirements for the character at sa mga eksenang gagawin namin.

“Nagpaalam ako kay Jake. As you all know, kapatid ko si Jake sa Los Bastardos. And even after Los Bastardos, kapatid ko pa rin siya off cam.

“Minsan lumalabas kami ni Jake with Kylie, ako yung laging third wheel nila.

“I had to ask him for his blessing kasi kahit sabihin nating trabaho lang ‘to, as a gentleman and as a brother to him, tinext ko siya.

“And sabi niya, ‘Bro, you have my blessing. Galingan niyo.’ Sobrang laking tulong sa akin nun, kasi siyempre, sa mga eksena namin, talagang maiinit.

“I needed that go signal from Jake para matodo namin yung mga eksena,” paliwanag ni Marco

Masaya at ipinagpapasalamat naman ni Kylie na maunawain at supportive ang kaniyang boyfriend at naiintindihan nito ang hinihinging mga eksena sa story plot ng kanilang pelikula.

Albie Casiño tila may galit pa din hanggang ngayon sa ex-girlfriend na si Andi Eigenmann

Ama ni Nadine Lustre nagpost ng ‘groundbreaking’ photo, pahiwatig nga ba na maninirahan na sa Siargao?