in

Marco Gallo aminadong nami-miss ang kabaitan ng mga magulang ng dating nobyang si Juliana Gomez

Hindi umano malilimutan ni Marco Gallo ang magandang trato sa kanya ng mga magulang ng dating nobyang si Juliana Gomez.

Sa virtual presscon ng Di Na Muli, ang drama series ng TV5 ay natanong si Marco tungkol sa kanyang ex-gf.

“Yanna” kasi ang pangalan ng karakter ni Julia Barretto na katambal ni Marco sa nasabing serye.

Tanong ng press people sa young actor ay kung naaalaala ba niya sa nabanggit na pangalan ang kanyang ex-girlfriend na si Juliana Gomez.

“Not really,” sagot ni Marco.

“Juls” kasi at hindi “Yanna” ang tawag niya sa anak nina Richard Gomez at Lucy Torres. Noong may relasyon pa sila.

Dagdag pa ng aktor hinding hindi umano niya malilimutan ang welcoming treatment ng mga magulang ng dalaga.

Aniya, “I can really say that it was such a young relationship. It was an experience. I’m really happy about it.

“I got to meet Tita Lucy and Tito Richard. They’re such sweet people, so different from my [Italian] culture, but I’m glad I had that.

Nagkahiwalay umano sila noon ni Juliana dahil sa magka-ibang kulturang kinalakihan nila. Kaya naman inisa-isa ni Marco ang pagkakaibang sinasabi niya.

Saad niya, “They’re really Filipino so hospitality was really a big thing for them. They were really so nice to me all the time I was coming over [to their place].

“I thought Tito Richard would scare me because that’s how it is in Italy. You have to put up with the dad, and Tito Richard never demanded that from me.

“I remember him saying that he will treat good anyone that his daughter loves, and I felt it. He was nice to me without judging me.”

Ipinagtapat ni Marco na hindi siya nagmula sa mayamang pamilya, pero hindi ito ipinaramdam sa kanya ng pamilya ni Juliana.

Heart Evangelista ginawa ng 50 thousand pesos ang pabuya sa makakahanap sa aso niyang nawawala

Coleen Garcia nagbigay babala sa mga netizens ukol sa mga manl0l0kong contractor