in

Marco Gallo aminadong crush si Julia Barretto kinilig ng malaman may kissing scene sila ng aktres

Napaka memorable umano sa aktor na si Marco Gallo ang naging kissing scene nila ni Julia Barretto.

Sa bagong serye ng TV 5 na “Di Na Muli” ay magkatambal sina Marco at Julia, together with Marco Gumabao.

For Marco Gallo’s part, hindi daw niya agad pinaniwalaan noong tinawagan siya ng Viva para ialok ang project sa kanya.

Tila tanggap na yata ng half-Italian na si Marco Gallo na hindi siya pang-bida kaya ganoon ang reaction niya.

Pero aniya, nang mahimasmasan na siya ay saka siya nakaramdam ng pressure. At nang mag-umpisa na ang kanilang taping nawala na raw ang kanyang kaba.

At napalitan ito ng excitement lalong lalo na ng malaman niyang may kissing scene sila ni Julia sa nasabing serye.

Ani Marco, “I am excited because my friends know that my girl crush, like, celebrity crush in show business is Julia Barretto.

“When I learned I’m having a kissing scene [with her], I was, like, ‘Oh my god, the universe heard me'”

Sa kanyang exclusive interview eith PEP.ph, ibinahagi ng aktor na nakaramdam siya ng “intimidation” sa kaalamang nobyo ni Julia si Gerald Anderson.

Kuya daw kasi kung ituring ni Marco si Gerald at madalas siyang nagpupunta sa gym na pagmamay-ari nito.

Aminado rin siya na nahiya siya nang kunan ng direktor na si Andoy Ranay ang passionate kissing scene nila ni Julia. Nahihiya umano siya dahil deep inside ay kinikilig siya.

Pero alam din ni Marco na sa parte ni Julia ay walang personalan, at trabaho lang ang lahat.

Samantala, breath of fresh air ang pagkakalarawan ni Julia kay Marco Gallo at sa character portrayal nito.

Tila nagbalik teenager daw siya sa mga naging ekesena nila ni Marco para sa “Di Na Muli”

Pinapangarap na magarbong kasalan nauwi sa iyakan dahil sa panloloko ng kanilang wedding coordinator

Kilalanin si Kenneth ang “Lucky Charm” sa buhay ng Kapuso actress na si Andrea Torres