in

Manager ni Francine Diaz na si John Ling itinanggi na may namamagitan kina Seth Fedelin at kanyang alaga

Nagsalita na ang manager ni Francine Diaz na si John Ling ukol sa viral issue nila ni Seth Fedelin.

Ilang araw na ngang mainit ang usapin tungkol sa mga Young Kapamilya stars. Nagsimula ito dahil sa nag-viral na larawan nina Francine at Seth na magkasama sa bahay ng mga Diaz.

Nabigyan kasi agad ng ibang kulay ang pagdalaw na ito ni Seth kina Francine. Nasundan naman ito ng pag-unfollow ni Andrea Brillantes sa kanyang co Gold Squad member.

Dahil dito, maraming mga netizens ang nang-usisa kung anu ba talaga ang real score sa pagitan nina Seth at Francine.

May ilan na nagsabi na matagal na umanong may relasyon ang dalawa at pang love team lang daw si Andrea.

Kaya naman sa kanyang Instagram post, ay sinagot na ng manager ni Francine na si John Ling ang isyung ito.

Nagpost siya ng larawan nila ng aktres at ipinromote ang bago nitong endorsement. ANiya sa caption, “See u soon Chin @francinesdiaz @merdick_diaz … another endorsement ba ulit?? Lapit na pala #birthday mo … mahal ka ni ninong john mo watch na kayo ng new vlog nya part 2 with @unoemilio ok??”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Ling (@johnling75)

Sa comment section ay may mga nagtanong tungkol sa tunay na namamagitan kina Seth at Francine.

Sinagot ni John ang netizens na nagtatanong kung boyfriend ba raw ni Francine si Seth at nanliligaw ba raw ito.

“Nope.. that’s the truth,”  tugon ni John, na may kasamang 100 percent emoji. Nilinaw din nito na wala talagang namamgitan kina Seth at Francine.

Celebrity couple na sina Carlo Aquino at Trina Candaza, pinaghihinalaan ng mga netizens na hiwalay na

Andrea Brillantes namigay ng mga laruan at pagkain sa mga batang lansangan noong Pasko