in

Malawak na farm sa Tanay Rizal, pagmamay-ari pala ni Sarah Geronimo!

Singer-actress na si Sarah Geronimo may napakalawak na farm pala sa Tanay, Rizal.

Bukod sa kinikita bilang artista, singer, brand endorser, ay isa ring negosyante si Sarah Geronimo. Matatandaan taong 2014 nang unang makilala si Sarah sa publiko.

Ito ay nang siya ang tanghaling kampeon sa singing contest na “Star For A Night.” Kabilang sa kanyang naging premyo ay ang recording contract sa Viva Records.

At magmula nga noon ay nagningning na ang kanyang pangalan dahil sa angkin niyang talento sa pag-awit.

Ilang taon ang lumipas ay bumida na din siya sa mga teleserye at pelikula na laging patok sa masa.

Kaya naman nasungkit din niya noon ang titulong “Blockbuster Queen.”

Hindi nakakapagtaka na marami na siyang naipundar na ari-arian mula sa kanyang hard earned money.

Kamakailan nga lamang ay lumabas sa publiko ang napakalawak na farm na pag-mamay ari ng Popstar Royalty.

Ang nasabing farm ay matatagpuan sa Tanay, Rizal.

Ang lolo ni Sarah ang totong may-ari ng farm pero si Sarah ang nagtutustos sa pinansyal na pangangailangan sa Farm.

Napakaraming pananim ang matatagpuan sa kanilang farm, ilan dito ay ang mga organic vegeables at fruit-bearing trees.

Mayroon din iba’t-ibang klase ng alagang hayop na nakalagak sa kanyang farm.

Sa farm din nila kinukuha ang mga supply na ginagamit nila sa kanilang cafe and restaurant na pinamamahalaan ng kanyang mga magulang.

Dahil napakaraming uri ng prutas at gulay ang naani nila mula dito.

Ang isa pang nagpaganda sa Farm ni Sarah ay ang pagiging solar powered nito.

Kamakailan nga lang ay ipinomote ni Sarah ang mga paninda ng kanyang ina na mga organic vegetables mula sa kanilang farm.

 

Tila isang paraan din na nagpapakita na tila nagka-ayos na ang mag-ina mula ng magkatampuhan ng ikasal ang aktres kay Matteo Guidecelli.

19-years old na binata nag-propose sa 76-years old na ginang, kanilang relasyon usap-usapan ngayon online

Pump Attendant ng isang gasoline station nakapagtapos na ng kolehiyo ngayon!